Hit 30~New Vows

6.6K 82 16
                                    

Nagpunta sina Mia at RJ sa Cafeteria I.

Uwian na kaya wala na masyadong tao rito.

Um-order sila ni RJ ng shake.

"Kumusta kayo ni Yano?" simula ni Rj.

Tama ang hinala ni Mia, tungkol nga sa relasyon nilang dalawa ang pag-uusapan nila.

"Makikipaghiwalay ka na nga ba sa kanya?"

"Ano? Hiwalay?" Naalala iyon bigla ni Mia. Oo nga pala, minsan niyang naisip na makipaghiwalay na kay Yano.

"Pasensiya ka na sa tanong ko. Nag-aalala lang kasi ako para sayo."

Napatingin si Mia kay RJ. Napakabait talaga nito. Parati siyang inaalala, pero hindi na naman kailangan. Oo, gusto niyang makipaghiwalay, pero parang nagbago iyon matapos mangyari iyong sa sementeryo.

"Sa totoo lang Rj, sa tingin ko ... nagugustuhan ko na siya," amin ni Mia.

"Si Yano?" Parang hindi pa makapaniwala si RJ.

Bigla nang may mga luha na pumatak sa mata ni Mia.

"Mia..."

"Hindi ko alam kung bakit o kung paano nagsimula, pero para kasing nagugustuhan ko na nga talaga siya."

Hinawakan ni RJ ang kamay niya. Nakita ni Mia ang matamis nitong ngiti.

"Alam na ba niya?" tanong ni RJ.

Umiling si Mia.

"Sabihin mo sa kanya."

Sabihin kay Yano? Hindi... Hindi puwede! Hindi pa naman ako sigurado."

Ngiti ang naging tugon doon ni Rj.

***

Samantala.
Si Yano.
Pagdating sa bahay ay nag-shower na agad siya.

Pagkatapos ay nagpunta ang lalaki sa dojo para mag-practice ng archery. Sunod-sunod siyang tumira.

"Yano!"

Agad sna napatingin si Yano sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Mia 'yon.

"N-Nandito ka na pala."

"Ah, dumaan lang ako para kunin 'yung bow ko," sabi ni Mia bago nito kinuha ang bow. Ngumiti ito bago umalis.

"Sandali, Mia!"bigla siyang tinawag ni Yano.

Humarap naman siya. "Bakit?"

Hindi alam ni Yano ang sasabihin. Bakit pa kasi niya tinawag si Mia. Mabuti na lang napatigin siya sa hawak nitong bow, meron siyang naisip.

"Bago ka umalis, tumira ka muna." Isinenyas niya ang shooting area.

Napatingin muna si Mia sa bow niya bago lumapit kay Yano at pumuwesto.

Tumira siya pero sablay.

"Kita mo na, sablay uli ako."

"Ipuwesto mo kasi ng tama ang mga braso mo," sabi ni Yano bago niya hinawakan si Mia. Inalalayan siya ito sa pag-tira.

Sa pagkakataong iyon ay naka-bull's eye na si Mia.

"Oh, ikaw naman." Binitawan na ni Yano si Mia.

Tamang-tama na ang puwesto ni Mia. At sa pagtira niya, na-hit niya ang bull's eye.

"Ah..." Hindi siya makapaniwala. "N-Nagawa ko nga ba iyon?" Biglang bumalik ang alaala ng mga taon na lagi siyang sablay.
Sa wakas ay naka bulls eye na rin siya.
Nagawa ko!" Nagtatalon si Mia sa tuwa. "Ang galing! Yano, nagawa ko!"Sa saya niya, bigla niyang nayakap ang lalaki.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon