Hit 15~RJ's First Date

7.6K 82 5
                                    

Ibinalita ni Yano sa mga kamiyembro niya na magkakaroon sila ng special trip. Iyon ang magsisilbing premyo nila sa kanilang pagkapanalo.

Sasakay sila sa isang cruise ship.

"Kailan tayo aalis? Bukas na ba? Excited na ko!" sabi ni Rina

Ngumiti lang si Yano.

"Puwede bang magsama tayo ng babae?" biglang singit ni Yamapi.

"Aba Yamapi. Gumaganyan ka na ngayon, ha. Akalain mo iyon, sayo pa kami makakarinig ng ganyang bagay," pang-aasar ni Ivan.

"Mas magiging masaya kasi ang trip na iyon kung makakasama ko si Cashmere," linaw ni Yamapi.

"Kung sabagay... Ako rin kasi gusto kong makasama si Monique," dagdag ni Ivan.

"Eh, di isama natin sila. Para may makasama akong babae," sabi ni Rina.

"Ano Yano? Ayos lang ba 'yon?" tanong ni Jin.

"Kung magiging masaya ang lahat, bakit pa ako tututol? Ang mabuti pa isama ko na rin si Chen Yin," sabi ni Yano.

"Ayos na!" Nakipag-apir si Ivan kay Yamapi.

"Ah, teka boss!" biglang sumingit si Nino. Kumikinang ang mga mata.

"Oh, anong problema mo?" tanong ni Yano na medyo nairita.

"Kasama rin po ba ako sa trip n'yo?"

Tiningnan siya ni Yano. "Nakatulong ka rin naman kahit papano sa pagkapanalo ng grupo ko kaya isasama kita."

"Salamat po!" Ang laki ng ngiti ni Nino. "Eh, ang ate ko? Puwede ko rin po ba siyang isama? Hindi pa po kasi siya nakakasakay ng cruise ship."

"Hindi!" mabilis na sagot ni Yano.

"Bakit naman po?" Parang maiiyak si Nino.

"Yano, pagbigyan mo na si Nino. Naging masunurin naman siya sayo, di ba?" sabi ni Jin.

"Oo nga naman Yano. Para mas marami akong makakasama," dagdag ni Rina.

"Hay..." Napabuntong hininga si Yano. Wala rin siyang naging choice kundi ang pumayag.

"Maraming salamat po, boss! Maraming salamat!" halos makuba sa pagyuko si Nino makapagpasalamat lang.

Sigurado kasi siya na matutuwa ang ate niya kapag nalaman na sasakay sila sa cruise ship.

***

"Ang ganda!" sabi ni Mia matapos makita ang cruise ship na sasakyan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakasakay siya sa ganito.

"Yano, iyan ba iyong cruise ship na pina-reserve mo?" tanong ni Jin. Para kasing iba ito sa picture na nakita niya.

"Iyong buwiset na student council president ang pumipli niyan," inis na sabi ni Yano.

"Pati ba naman sasakyan natin pinapakialaman niya pa?" reklamo ni Ivan.

"Ayos lang iyon. Mukha namang may class pa rin ang pinili niya," sabi naman ni Rina.

"Oo nga, kaya sumakay na tayo!" aya ni Monique.

"Hindi pa tayo kumpleto," sabi ni Yano.

"May hinihintay pa po tayo?" tanong ni Nino. Sino naman kaya? Kumpleto na ang buong miyembro ni Yano. Narito na rin sina Monique, Cashmere, Chen Yin at Mia.

Sino pa ang kulang?

"Nandito na siya," sabi ni Yano nang may makitang paparating na kotse.

"Ang kotseng 'yan..." Kilala ni Cashmere ang may-ari ng sasakyang iyon. Walang iba kundi ang kapatid niyang si RJ.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon