Hit 9~Bully

8K 86 11
                                    

12:30pm

Nasa library si Mia.
Maaga siyang natapos mag-lunch kaya naisip niya na pumunta muna rito para magbasa ng paborito niyang Greek Mythology.

"Ikaw iyong kapatid ni Nino, hindi ba?"
Ginulat si Mia ng tanong na iyon ni Yano.
Ang akala niya ay aatakihin siya sa puso.
Mabuti na lang nagawa niya pang sumagot.
"O-Oo. Ako nga ang ate niya."

"Magaling!" sagot ni Yano. "Sabihin mo sa kanya, pumayag maging alipin ko!"

"Ano?" Napatayo siya. "Nababaliw ka na ba?" bigla niyang nasabi. "Alam kong ikaw ang susunod naming leader, pero ang gawing alipin si Nino... wala iyon sa lugar!"

"Huh! Wala ka namang pagpipilian!" giit ni Yano.

"Hindi! Hindi ako papayag!" Buo pa rin ang loob ni Mia.
Tinalikuran niya si Yano.

Sa kabilang banda,

Magkasamang naglalakad sina Nino at Yamapi pabalik ng Student Council Office.

Napansin agad ni Yamapi ang pagiging tahimik ni Nino.

"May problema ba?" tanong niya.

"Ah, kasi..." Nagsimulang magkuwento si Nino. "Noong isang araw sinabihan ako ni Yano na sumali sa grupo niya!"

"Parang napakaimposible n'on. Puro taga Village I lang ang kasi gustong maging miyembro ni Yano," sabi ni Yamapi.

"Oo, kaya ang offer niya sa'kin ay ang maging alipin niya. Siyempre hindi ako pumayag kaya ayon... binalaan niya ko! 'Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin!' sabi niya," mahabang kuwento ni Nino na may halong effect nang pagbago ng boses at facial expression.

"Base sa kuwento mo, mukhang seryoso siya," puna ni Yamapi.

"Sa tingin ko hindi ako kundi ikaw Yamapi ang gusto niyang makuha. Ayaw mo na ba talaga sa grupo niya?" tanong ni Nino.

Hindi nakasagot si Yamapi.
Dahil ang totoo, may isa pa at mas malalim na dahilan kung bakit ginusto niyang iwan ang grupo.

Pagkauwi sa bahay.

Agad na nag-usap ang magkapatid na Mia at Nino.

"Ate, ninenerbyos ako. Anong gagawin ko?" tanong ni Nino. Malamig ang simoy ng hangin, pero pinag papawisan ito.

Hinawakan siya ni Mia sa ulo. "Huwag kang mag-alala. Pangako, hindi ako papayag na saktan ka ni Yano."
Gustong palakasin si Mia ang loob ng kapatid, pero sa loob loob niya ay kinakabahan din siya.
Sino bang hindi? Ang future boss ang pinag-uusapan dito.

Kinabukasan.

Maagang natapos ang klase nina Mia kaya maaga rin silang nakakain ni Cashmere ng tanghalian.
Humabol sa kanila si Chen Yin.

"Talagang gusto mo laging sumabay sa'min ha?" mataray na sabi ni Maki.

Inasahan ni Mia na sasagot nang pabalang si Chen Yin gaya ng dati at magbabangayan silang dalawa, pero hindi.
Ngumiti lang si Chen Yin bago nagsalita. "Wala akong baon ngayon. Sandali ha, bibili lang ako."

"Kakaiba ata ngayon si Chen Yin," puna ni Mia.

Walang naging komento si Cashmere.

Habang nasa counter ay napapatingin pa rin si Chen Yin kay Cashmere. Hindi kasi mawala sa isip niya iyong nangyari noong nakaraang araw.
Noong sinabi ni Jin kay Yano na si Cashmere ay girlfriend ni Yamapi. Tapos ay itinanggi iyon ni Yamapi.
Ano kayang totoo? Curious siya.

"Chen Yin, bilisan mo nang bumili!" sabi ni Mia. Kinawayan pa nitp ang kaibigan.

"Ah, oo!" Nagmadali na si Chen Yin sa pagbili.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon