Hit 27 ~Precious One

6.6K 72 4
                                    

May isang batang lalaki na tumatakbo sa damuhan

"Achilles!" tawag ni Mia.

"Mama!" sagot nito bago tumakbo palapit sa kanyang ina.

Niyakap ito ni Mia nang mahigpit. "I love you baby," ani MIa hanggang sa tuluyan na silang nabalot ng puting liwanag.

"Mia, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng nanay niya.

Dahan-dahang iginilid ni Mia ang kanyang ulo. "Ang baby ko, kumusta siya?"

Walang nakasagot.

Sinubukang pakiramdaman ni Mia ang mga tao sa paligid. Inikot niya ang kanyang mga mata. Dito na niya napagtatanto kung ano talaga ang nangyari.

Wala na ang anak niya.

"Ako ang may kasalanan. Ang careless ko kasi," mahinahonng sabi ni Mia.

"Mia..." Hinawakan ni Cashmere ang kamay niya/ "Walang may gusto nito, kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."

"Puwede na ba kong umuwi? Gusto ko nang umuwi." Iyon lamang ang naging tugon ni Mia.

Kasabay niyang umuwi si Yano.

Magkatabi silka ni Yano sa passenger seat. Habang nakaupo ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa lalaki.

Sinasabi ng kabilang bahagi ng utak niya na si Yano ang talagang dahilan kung bakit nangyari ito. Kung hindi kasi sumulpot si Ilynn na obssessed sa kanya, hindi sana siya mapapahamak, pero sa kabuuan, alam niya na hindi dapat sisihin si Yano. Kung tutuusin ay naging napaka-protective nito sa kanya.

Siya ang may kasalanan.

Tinangka ni Mia na ibuka ang kanyang bibig.

Kahit papaano ay gusto niyang kausapin si Yano.

Gusto niyang malaman kung ano ang reaksyon nito, pero tahimik lang siya. Ni hindi tumitingin sa kanya.

Posible kayang siya ang sinisisi nito sa nangyari?

Kung sabagay, hindi ito mangyayari kung hindi siya nagpumilit pumunta ng school.

Pagdating nila sa bahay, si Trojan agad ang sumalubong at naghatid sa kanya sa kuwarto.

"Magpahinga ka na," sabi ni Trojan bago ito lumabas.

Agad na napaupo sa kama si Mia.

Napahawak sa kanyang dibdib.

Bakit? Bakit ito nangyari?

Nagsimula nang dumaloy ang kanyang mga luha.

Anong nagawa ko para danasin ito?

Dito na siya tuluyang napaiyak nang malakas.

"Gusto ko ang baby ko! Ibalik n'yo sa akin ang baby ko!"

***

Sumunod si Nino kasama ang grupo ni Yano at si Cashmere sa bahay ng mga Matsumoto.

Gusto sanang kausapin ni Nino ang ate niya, pero ang sabi ni Yamapi mas mabuti kung si Cashmere na lang muna ang kumausap rito.

Si Yano na lang ang pinuntahan nila.

Naabutan nila ito sa dojo hawak ang kanyang bow. Sunod-sunod itong tumira at naka-bull's eye.

"Si Yano," simula ni Rina. "Alam kong napilitan lang siyang magpakasal kay Mia, pero labas naman 'don ang baby."

"Ganon naman talaga. Kung minsan bahagi ng buhay ang mawalan ng minamahal," sabi ni Jin.

Napatango na lamang si Rina.

***

Gabi na nang bumalik si Yano sa kanilang silid.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon