Hit 5 ~Alter

8.8K 101 9
                                    

Nagpahid ng luha si Mia.

Dapat walang makapansin ng pag-iyak ko, sabi niya sa isip.

Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya sa sala si Nino na nag-aaral.

"Nandiyan ka na pala, ate!" sabi nito. Bigla itong napakunot ng noo nang mapansin ang namumugto niyang mga mata. "Umiyak ka ba?" tanong nito.

Ngumiti si Mia. Isang pilit na ngiti. "H-Hindi, napuwing lang ako," pagsisinungaling ng dalaga. "Sige ha, magbibihis na ko!"

Napaka-common ng dahilan niya. Hindi niya tuloy alam kung napaniwala niya si Nino.

Pagdating niya sa kwarto ay para bang gusto niyang humagulgol ulit, pero pinigilan niya.

Hindi na siya dapat umiyak. Hindi na niya dapat iyakan ang lalaking 'yon.

Marami namab kasing lalaki sa mundo. Pasasaan ba ay mahahanap niya rin ang totoong prinsipe niya.

***

Kinabukasan.

Sa school.

"Mia! Kumusta ang date mo?"

Bago magsimula ang klase, dumaan muna ni Chen Yin sa classroom nina Mia para kumustahin ang date nito.

"Okay naman!" maiksing sagot ni Mia.

Gusto sanang sabihin ni Mia ang totoo, ngunit wala siyang lakas ng loob.

Lunch break.

Naglabasan na ang mga estudyante, maliban kay Mia. Nanatili siya sa kanyang upuan na tila ba lumilipad ang isip.

"Sabihin mo nga sa akin, anong totoong nagyari sa date n'yo?" Biglang nagsalita si Cashmere. Hindi pa rin pala ito umaalis at mukhang may hinala ito.

Napatingin sa kanya si Mia.
Talaga bang tinatanong siya ni Cashmere? Hindi kasi ito ang tipo na nag-aalala sa problema ng iba, kaya hindi niya ito mapaniwalan. Para tuloy gusto niyang mapaiyak. Hindi na niya mapigilan.

Ang reaksyon niya ang nagkompirma kay Cashmere sa nangyari.

"Ayos lang 'yan. Walang masama sa pag-iyak!" ani Cashmere.

Dito na tuluyang napaiyak si Mia. Napayakap din siya kay Cashmere. "Cashmere... Iniwan na ako ni Brian!" iyak niya. "Ayaw na niya sa akin dahil Yamato raw ako!"

Nagmistulang bata si Mia na nagsusumbong sa magulang. Sa puntong ito, gusto niyang ilabas ang lahat ng kanyang hinanakit.

Yinakap din naman siya ni Cashmere.

Dito mas naramdaman ni Mia ang concern ng kaibigan. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

"Sinabi ko na kasi sayo. Dapat kay Ray Joseph ka na lang!" ani Cashmere.

Napangiti si Mia. Sa gitna kasi ng pagda-drama niya ay nagawa pang magbiro ng kaibigan. First time itong ginawa ni Cashmere.
"Sinong may sabi na nagbibiro ako? Ikaw lang ang nag-iisip na biro iyon. Seryoso 'yon!"

Muli pa'y natawa si Mia.
Si Ray Joseph na president ng Student Council magiging boyfriend niya? Parang napakaimposible naman n'on.

Ang hindi alam ni Mia ay nakita sila nina Nino at Chen Yin. Pumunta kasi ang dalawa sa classroom nila para sana sabay sabay silang mag-lunch. Ang kaso ay aksidente nilang narinig ang pag-iyak ni Mia kay Cashmere.

"Ang sama ko, hindi ko 'yon napansin, " sabi ni Chen Yin. Dismayado siya sa kanyang sarili. Sinasabi niya kasi na best friend niya si Mia, pero wala man lang siyang naitulong para pagaanin ang loob nito.

Gano'n din naman ang iniisip ni Nino kaya gumawa sila ng desisyon. Nagpunta sila sa company kung saan nagtatrabaho si Mark Brian.

Ang pagkakamali nila ay nakalimutan nilang magpalit ng damitm dahil naka-uniform pa, nakilala agad sila na mga Yamato.
Pinagtingunan sila ng mga tao roon. Hindi rin sila hinayaang makapasok ng mga gwardiya.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon