Chapter 17: Red Roses

71 28 44
                                    

Dedicated to svnsxfr

RapMon

"Ano 'yan, RapMon? Dinaig ka pa ni Suga! Hahaha." Asar sa akin ni V.

"Hahaha! Oo nga!" Dagdag pa ni Jungkook. Tiningnan ko nalang sila ng masama.

Eh sa wala naman akong balak i-date eh. At wala rin naman akong ide-date.

"Alam ko na! Diba naalala mo si Hyuna? Mukhang type ka no'n. Gusto mo ako na magtanong para sayo? Hahaha, ako na paparaan." Alok naman ni Jungkook.

Sa totoo lang. Hindi naman obligadong may daling date. Pero pinagpipilitan talaga nila.

"Kapag hindi ka pumayag, ia-upload ko yung video mo. At nahihiya ka talaga sakanya dahil gusto mo siya." Dagdag pa niya. Ito namang si V, tawa lang ng tawa.

Mga bwiset na tao talaga.

"Okay fine! Just don't tell her anything else. Sabihin mo lang na susunduin ko siya sa kanila. Ibigay mo yung number ko para maitext ako." Sabi ko nalang.

"Hahahaha! Confident mo ah. Parang pumayag na." Loko pa ni V.

Tss. Bahala sila sa buhay nila! Malapit na 'yon, kung sana papayag siya. Eh baka maarte pa yon at wala ng makitang susuotin niya.

"Okay okay. Basta alam ko na ang gagawin ko. After class, kuhanin na natin yung pinagawa nating suit." Masayang sabi pa ni Jungkook.

Masyadong excited. Nakakapagtaka lang, kasi sila ni Chelsea ang date. Talagang yung celebrant pa. Parang kailan lang iniiwasan pa siya ni Chelsea pero ngayon sila ang magkasama.

"Oo na! Feeling mo naman marami kang makukuhang chicks don. Bantay sarado ka ni Chelsea. Hahahaha." Asar pa ni V sa kanya.

Hindi nalang nagreact si Kookie. Hanggang sa lumipas ang break. Bumalik na ako sa klase ko.

Naisip ko tuloy. Paano nga kaya kung pumayag si Hyuna? Paano ko kakausapin 'yon? We're not that close. Baka mamaya maging awkward pa.

"Huy! RapMon! RapMon!" Nabalik ako sa realidad nang kinakalabit ako ni Chelsea.

"Ang sabi ko! Bakit hindi makakapunta si Hobi? Kakatext niya lang sakin o." Sabay pakita niya pa sa akin.

Oo nga. Bakit nga ba? Parang matamlay nga yung kabayong yon noong mga nakaraang araw. May nangyari kaya sa kanya?

"Sige, kakausapin ko." Sabi ko nalang at lumapit pa sa amin si Corinne.

"Dapat nga. Kasi mukhang may nangyaring di maganda between Gale and Hobi. Talk to him. Something's definitely wrong." Sali na niya sa usapan.

"And please tell him that he's one of my 18 roses. Kailangan talaga siya don. At sana maging okay na siya kung ano man ang pinagdaraanan niya." Malungkot na sabi ni Chelsea.

Sabay namang dumating na ang prof kaya nagsibalikan na sila sa upuan.

Napaisip tuloy ako. Ano kayang nangyari kay Hobi? May nangyari kayang masama? Na related kay Gale. Unbelievable.

Mabilis na lumipas yung oras at pumunta muna ako sa room nila Hobi. Hoping that he's there. Unfortunately, nakaalis na.

"Ang sweet mo naman, RapMon. Talagang sinundo mo pa ako." Loko ni Jungkook.

Napakapilingero.
-____-

"Magtigil ka jan! Puntahan mo na si V! Aalis na tayo." Sabi ko na lang at nagtingin tingin pa. Baka mamaya nandito pa siya. Kailangan ko talagang makausap si Hobi.

In The Shadows Of Music (On Hold) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon