Chapter 6: Talk

104 41 10
                                    

Dale

Naglalakad na kami pauwi sa hallway nang may makita naming nagsusulat sa pader.

At dahil dakilang officer si Denise. Pinuntahan niya na at nilapitan 'yung mga lalaki.

"Stop vandalizing the school's property, this instant." Sigaw ni Denise sa tatlong lalaki. "Kayo pala ang mga nagva-vandalize sa mga pader ng school na 'to!" Hindi lang siya pinansin nu'ng tatlo.

"Naghahanap ka ba ng away, miss? Wag kayong pakielamero!" Sabi nung pinakamatangkad sa kanila.

Nang malingon sa'lin 'yung isa, siniko siko niya 'yung nagsasalita kanina. Napangisi tuloy ako.

"Bakit ba?! Kagulo mo ah!" Sigaw nito sa kasama niya.

"Sumama na kayo para makakuha na kayo ng detention slip." Maangas na sabi pa ulit ni Denise.

"Pre! Hindi mo ba sila namumukaan? Si Dale 'yan! Girlfriend ni Jackson!" Sabi nu'ng naniniko kanina.

Nagtaka lang siya.

"Sino? Itong maliit na 'to? Wow! Iba na pala ang type ni Jackson ngayon." Turo pa nu'ng lalaki kay Denise. Hinawi naman niya 'yung kamay nu'ng kaaway niya.

"Hindi siya." Bulong ng kasama niya.

Sasali na ba ako? Pero, kaya naman na ni Denise yan eh. Plus, ang cute kaya makipag-away ni Denise.

"O paano, Dale. Tulong na ba tayo?" Bulong ni Chelsea.

"Wag muna. Let's see how will Denise handle this people." Bulong pa ni Yumi.

We actually enjoy this situations, lalo na kapag si Denise ang makikipag-away.

"Hindi ako ang girlfriend! Siya! Siya si Dale. Ako si Arielle Denise! Kaya tara na! Bwisit na 'to!" Sabay hawak at hila ni Denise sa braso nu'ng lalaki.

Bigla namang napatawa 'yung lalaking matangkad at tiningnan si Denise sa mata.

"W-what?!" Sigaw ni Denise.

Tiningnan lang ng lalaki yung hawak ni Denise sa braso niya. Kaya tinanggal agad niya ang pagkakahawak doon.

"I'm Marco Apollo. Nice to meet you, Arielle Denise." Sagot nu'ng matangkad.

Gusto kong matawa, biglang ba naman kasing nagpakilala! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ni Denise? Nagpapapansin?

"A-ano ba'ng sinasabi mo?! Baliw ka ba?" -Denise

"Can this be love?" Biro ni Chelsea.

"They actually look cute together." Dagdag pa ni Yumi.

Hindi niya naman kami naririnig eh. Medyo nakalayo kami sa kanila at nanonood lang.

"Baliw? I don't think so, missy. It's too early for me to go crazy for you, ang cute mo pala." Sabi ni Marco.

Namumula na si Denise sa narinig niya, hindi siya makapagsalita.

"Don't worry, Arielle Denise. Hindi na ako magsusulat sa mga pader na 'to. Titigil na kami, for you." Ngiti pa ni Marco.

"Bye. See you again." Paalam niya na.

Nanganga nalang kami sa nangyari. Pagkaalis nung mga 'yon, tumawa na ng malakas si Chelsea.

"Denise! Anong ginawa mo?" Sigaw pa ni Chelsea. Nagtaka lang si Denise sa kanya.

"Baliw na 'yon! Tumakas pa!" -Denise

"Denise, cute niyong dalawa. Handa ka na ba sa bagong ChimChim ng buhay mo?" Pagsali ko.

In The Shadows Of Music (On Hold) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon