ITSOM (Prologue)

146 42 7
                                    

"What a good day to start." I sighed.

"Dale! Late ka na naman!" Sigaw sa'kin ni Kookie pagkapasok ko sa kwarto.

Wow naman sakanya. Akala mo laging maaga, ayaw na kaya niyang pumasok tapos 'yan ang ipambubungad sa'kin.

"Heh! Magtigil ka! Ako na lang ba kulang? Ha?! Makapagsalita 'to." Binigyan niya lang ako ng isang blankong tingin kaya napatingin ako sa iba.

And they were all having the same look. And why is that?

"OO!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Weh?! Tiningnan ko nga isa-isa at binilang. 1-2-3-13! Oo nga. Sabi ko nga.

"Pa-VIP! Umupo ka na nga! Hindi kami makapagsimula nang wala ka eh." Utos sakin ng pinakamabait kong kaibigang si Amethyst.

Magrereklamo pa sana ako kaso hindi kami matatapos kapag ginawa ko.

"Back to business. Tatlong buwan na tayong nag-iisip kung ano ang pangalan ng banda natin. Wala parin tayong maisip! Guys, kaiyak naman." Sabi ni Chel.

Kaya nga!

"Chelsea, 14 na utak ang nandito. Don't expect na agad-agad. Makakaisip tayo ng mapapagkasunduan ng lahat." Sagot naman ni Corinne.

Tama! Teka, ano ba talaga? Alam ko may mga suggestions pa nung huli kaming magkita-kita.

"Bakit ba kasi ayaw niyo ng naisip ko? Bagay kaya sa atin ang... Cool Doggs." Seryosong tanong ni Hobi.

Hindi ko alam kung mabwibwisit ba o tatawa ako? Lakas rin kasi ng trip ni Hobi eh. Baliw na baliw.

Yung iba tumatawa. Lalo na si ChimChim, napaka-supportive at babaw ng kaligayahan.

"Hobi. Manahimik ka nalang. Paulit-ulit ka. Hindi naman tayo aso!"

...

"Hahahaha." Seryoso pang sabi ni Gale nung una pero natawa rin.

Tss.

"Kailan nga ulit yung laban?" -Jimin

"Next week. Next week na!" -Gale

"Wag kang galit Gale. May one week pa tayo. Chill." Sabi ko nalang para hindi sila magkagulo.

"Ganito nalang guys. May naisip ako. Isa-isa tayong magbibigay ng isang letter. Tapos i-try natin i
combine ng i-combine para makabuo ng words. Malay niyo, mapagkasunduan na at matapos na 'to." Suggest pa ni Amethyst.

Hmm... Pwede nga. Para walang sisihan na rin. Nag-agree din naman sila.

Mauna na ako kung ganon.

"G"
"A"-Amethyst
"E"-V
"O"-Denise
"N"-Jin
"P"-RM
"V"-Yumi
"L"-Corinne
"H"-Hobi
"T"-Jimin
"E"-Chel
"O"-Suga
"G"-Kookie
"B"-Gale

"Okay. Mag-isip na tayo. Kanya-kanya." -Jin

Natahimik muna kami sandali. Isip muna.

...

Aish! Ang hirap! Anong bang mga letra yan?! Akala ko magandang idea.

Few minutes later...

"BG Love Heptagon lang yung pinakamatino. Credits to Corinne." -V

"Oo nga, okay naman. Pwede-pwede na." -Denise

"Mas okay kung tanggalin na yung BG. Parang bodyguard tuloy ang dating eh." -RM

"Let's have a vote. Taas ng kamay ng sa tingin nila ay pasado na o hindi pa."

7-6

Mas marami ang nag-agree na. Pero mali. 14 kami. Kulang ng isa.

In The Shadows Of Music (On Hold) (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon