Shucks ! Anong ipambabayad ko ?Talagang taghirap ako ngayon.  Buwisit kasi itong si Alexander my twin brother. Naisahan ako. Nilimas nya ang pera ko kasi natalo nya lang naman nya ako sa DOTA. Yes nagdodota ako.  Pangrelax naming magkapatid pero natalo nya ako. Kaya purita ako ngayon.

  

Think...Think...Think.. Papayag ba ako? Tumingin ako sa iPhone ko na katulad ng sa kanya.

“Hindi pwede ‘yang cellphone mo. Hindi ako tumatanggap ng secondhand” agad na sabi n’ya . Nanlalaki ang aking mga matang tinitigan ko s’ya.

“Nababasa mo ang naiisip ko? “ gilalas na tanong ko. “ OMG! Vampire ka no? Kaya pala ang gwapo-gwapo mo at tahimik ka. Pero impossible kasi maaraw dito sa Pilipinas . Pansin na pansin pagkuminang ang balat mo. Pero kung vampire ka nga pwede bang dugo ko na lang ang bayad pero ‘wag mong uubusin . Magtira ka kahit kunti. Pwede?” Nabibiglang sabi ko tapos napahawak ako sa aking ulo nang magsink in sa utak ko ang mga lumabas sa aking bibig . Oh no! Nasabi kong gwapong-gwapo s’ya. Nakakahiya.

“Anong kalokohan iyang pinagsasabi mo?” masungit na sabi n’ya.  “Nakatingin ka sa cellphone mo kaya naisip ko na binabalak mong iyan ang ipalit sa iPhone ko” paliwanag n’ya.

Nakahinga ako nang maluwag , buti naman hindi n’ya napansin na sinabihan ko s’yang gwapong-gwapo s’ya. Akala ko may kakayahan s’yang marinig ang iniisip ko. Balik sa problema ko .Walang ibang option kasi wala akong pera. 

"Bilis-bilisan ang pag-iisip. Nauubos ang oras ko" bored na sabi nya.

 "Hsss! Wait, nag-iisip pa nga eh!" I hissed.

 Tinitigan nya ako . Nanunuot sa pagkatao ko ang tingin nya at wala na akong nagawa" Okay! Pumapayag na ako"  Masama sa loob kong sabi. Me--- sa ganda kong ito gagawin nyang alalay. 

  

He smiled "Deal".  

  

Sya na ang masaya. Magkaroon ba naman sya ng instant alalay eh. Panong hindi sya sasaya?.

  

"Guys, ito na ang pagkain natin" wika ng isa sa mga kabarkada nya.

 Inilapag nila ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. Wow ang dami yata!

 Isa-isa na silang pumuwesto ng upo.

  

"Hi Miss I'm Ian" pakilala ng nasa right side  ko.

 "Iyang nasa tabi mo si Tommy.   Sya naman si Matheo, at iyang tahimik ay si Caden" pakilala nya pa sa mga kabarkada nila.

 "Hi" sabay-sabay nilang bati si Vincent naman ay  walang reaksyon sa nangyayari.

  

"Hello" balik ko.

 Nagulat na lang ako ng inabot ni Vincent sa akin ang isang plato na  may  lasagna at isang basong mango shake.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now