"Alam mo, hindi niya ako gusto Kuya. May fiancée na siya. May iba na siya. Nakakainis kasi eh. Alam mo bang gusto ko siya. Ay hindi mali. I love him Kuya. I love him so much." Naiiyak kong sabi doon sa Kuya. Iyong kamay niya ay hinahaplos na ang likod ko.


"Sssh, don't cry." Anas niya. Hinalikan niya ang noo ko kaya mas lalo lang akong naiyak.


'We sit in bars and raise our drinks to growing old

Oh, I'm in love with you and you will never know,

But if I can't have you I'll walk this life alone,

Spare you the rising storms and let the rivers flow'


Naramdaman kong iniangat niya ako ulit at naglakad na naman siya. I was crying at his chest the whole time. He feels so much like Seven. Para bang inaalagaan na rin ako ni Seven dahil sa Kuyang ito. And I never thought it will feel this good.


It is like a dream come true.


Inihatid niya ako sa kwarto ko at inalalayan akong maupo sa kama ko. Hindi ko na alam at wala na akong utak para isipin kung paano siya nakapasok sa bahay ni Seven. Basta alam kong nasa harapan ko pa rin siya at nakatitig sa akin.


"Can you remove your shoes?" masuyo nitong tanong. Tumango ako at aabutin na sana ang sapatos ko pero muntik na naman akong matumba. He just sighed and removed my shoes for me. I smiled and touched his hair.


"You look so much like Seven." I told him. He sighed harder before nodding.


"And you're drunk." Sabi niya bago ako inihihiga. Kinumutan niya ako at aalis na sana noong hinawakan ko ang kanyang braso.


"Do you still need something?" he asked. Dahan dahan akong umupo at nakaalalay naman siya sa akin.


"Gusto kong magpalit ng damit Kuya." Sabi ko. Matagal siyang hindi kumikilos at nakatingin lang sa akin.


"Bukas ka na lang magbihis."


Umiling agad ako. "Ayaw ko. Gusto ko ngayon na. huwag ka ng magreklamo, imagination lang naman kita!" naiinis ko ng sigaw. Napatayo siya at kumuha ng pajamas sa closet ko. Inabot niya iyon sa akin at tinitigan ko lamang iyon.


Nahihilo akong gumilid para hanapin ang zipper ng damit ko noong lumapit siya sa akin. Inabot niya iyon at siya ang humila noon pababa. I smiled sweetly and nuzzled his neck. Hinalikan ko iyong ilalim ng tenga niya ay napamura siya bago lumayo sa akin.


"Chantal!" sigaw niya. Humalakhak lang ako at lumapit sa kanya. Napatayo na siya ng tuluyan habang ako ay malapit ng mahulog sa kama ko.


"Ang arte arte mong imagination." Biro ko. Hinila ko na ang damit ko dahil naiinitan na talaga ako. Gumapang ako pabalik sa kama at padapang humiga.


Ilang beses kong narinig iyong imagination ko na nagmumura sa tabi ko. Kinuha niya ulit iyong kumot sa ilalim ng paa ko. Akala ko ay kukumutan niya ako noong makita ko siyang nakatingin sa likod ko.


"May tattoo ka nga talaga." He said, almost to himself. I hugged the pillow tighter and looked at him.


"It's for you. It's the seven stars." Sabi ko dito. I felt his fingers tracing the curves on my back and I closed my eyes tightly.


"Nakatatak ako sayo?" nagtatanong niyang sabi. Tumango lamang ako.


"You own me." I told him. Dumilat ako at napansin kong malapit na ang mukha naming dalawa. His hand is still on my back and he was staring at me the way I wanted him to look at me. Like a man who is deeply inlove.


Ang galing talaga ng imagination ko.


He cupped my chin and I felt his warm mouth on mine. Napapikit ako at dinama ang labi niya. Inikot niya ang pagkakahiga ko at muli akong hinalikan.


"You make me so crazy Chantal." Bulong niya habang hinahalikan ang leeg ko. I smiled and touched his back. His lips found mine again and I was lost.


----------------------------------

Song Used:

Sam Smith (Samantha Sarno cover) – Leave Your Lover

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now