Chapter 7: The Basketball Game

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumiti muna sa akin si Princess ng matamis bago niya ako nilagpasan. Naglalakad na akong palayo nang maalala kong naiwan ko ang aking bag sa locker room kaya kahit ayaw ko, agad akong bumalik.

Nang nakuha ko na ang aking bag ay dali-dali na akong naglakad palabas.

"Bella!!! Watch out!"

Napalingon ako at agad akong nakaiwas sa paparating na bola.

"Ops.. sorry, nadulas sa kamay ko eh," natatawang sambit ng isang miyembro ng Black Dragon Gang.

Kinuha ko ang bolang gumulong sa paanan ko, tiningnan ko ang naghagis nito. Nadulas? Paanong nangyari 'yon? Kailan pa naging 'nadulas' ang term na 'hinagis'? Kalokohan ito ah! Obviously, ako ang puntirya niya. Tiningnan ko ang bola na hawak ko at tumalikod. Inihagis ko ang bola nang patalikod. Paglingon ko, nag-shoot sa ring ang bola. "Wow! I'm so lucky today, na-shoot ko ang bola," ngingisi-ngising wika ko sa kanila.

Napatingin sa akin si Jarvis at maging ang mga kasamahan niya. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad palayo.

Rain's Point of View

Hindi ko akalain na magaling siya. Sabi ko na nga ba eh, hindi siya ordinaryong babae. Sino ka nga ba talaga, Bella Uy? Saan ka kumukuha ng lakas na loob para kalabanin si Emp? Biglang may pumasok na idea sa aking isipan. Bakit nga ba hindi?

Sinundan ko siya. "Hey!" tawag ko kay Nerd. Hindi pa rin siya lumingon, napangiti ako sa inaasal niya. "Bella Uy." Malakas na tawag ko at takang nilingon niya ako.

"What?" inip na tanong niya.

"Let's play basketball." Nagulat siya, maging ang lahat ng nakarinig sa sinabi ko ay nagulat.

"Ano'ng prize?"

Natawa ako sa pagiging sigurista niya. "What do you want? Car? Money? House?"

Napatingin siya kay Jarvis at ngumiti ng makahulugan. "Hindi ko kailangan ng mga bagay na panandalian lamang. Ang nais ko ay patahimikin niyo ang school life ko."

Tumango-tango ako sa hiling niya. "Pero kapag ikaw ang natalo, ready ka ba sa consequence mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Kahit pa ang kapalit no'n ay buhay mo?"

Nakipagtitigan siya sa akin ng matagal tapos ngumiti ito ng matamis. "Deal."

"Are you not afraid?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko, iniba niya ang usapan. "Baka naman, deal lang nating dalawa ito?" nakatingin siya kay Jarvis.

"Emp, okay lang ba sa iyo ito?"

"Bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi ko na uli makikita ang basurang yan." Balewalang sambit niya.

"Narinig mo naman ang sinabi niya."

"Okay. Ano ang rules?"

"Simple lang. Ang kailangan mong gawin ay kalabanin kaming Black Dragon Gang. Lima kaming lalaki na dedepensa at kelangan mong maka-shoot ng tatlong beses sa loob ng 30 minutes. Kapag natalo mo kami, si Emp na ang makakaharap mo. One on one kayong dalawa, no time limit. Kung sino man ang unang maka-shoot sa inyong dalawa ay siya ang panalo. Any objections?"

Nagkibit-balikat lamang siya. "Nothing. Let's start."

"I object, Kuya Rain."

Nakangiting nilingon ko si Angel. "Why?"

"You can't do this to her! It's unfair!" bulalas niya.

"Mukhang hindi naman unfair sa kanya. Look at her." Sabay tingin ko kay Bella na nakatingin sa ring.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon