Chapter 1: Hello Philippines!

534K 8.1K 656
                                    

Bella's Point of View

"Ladies and gentlemen, we just landed at the Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila! Local time is 5:00pm and the temperature is 30C. On behalf of Monteverde Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we hope to see you again soon on one of your future flights. Have a nice stay!"

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang announcement mula sa piloto ng eroplano. Nag-inat ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Sa wakas nakarating din ako." Mahinang bulong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa mga pasahero na kinukuha ang kani-kanilang bagahe, agad din akong kumilos dahil baka naiinip na ang taong susundo sa akin. Nakakahiya naman na paghintayin ko sila.

Mabilis akong naglakad palabas ng terminal ng NAIA habang hila-hila ang travelling bag ko. Napatigil ako sandali at inilibot ang paningin sa paligid.

Nilanghap ko ang pamilyar na amoy ng hangin pagkatapos ay tumingala ako sa asul na kalangitan.

The sky is clear and there are ni signs of rain. A sad smile slowly appeared on my lips. After ten years, I am back in the Philippines. Muling bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari noong bata pa ako. Napailing ako sa aking naiisip, nagiging madrama na ako lately. Ang mabuti pa'y hanapin ko na ang aking sundo.

I smiled broadly when I saw a guy looking at my direction holding a placard with my name.

Lumapit ako sa kanya.

"Miss Bella Smith?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Yes." At gumanti din ako ng ngiti.

" Okaerinasai (Welcome home) , Ms. Smith."

Napangiti ako nang mag-Japanese siya."Arigatou. I'm sorry kung ilang minuto akong late. Ang tagal nilang inilabas ang aking bagahe," kwento ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya nang nagsalita ako ng Tagalog. "It's okay, Ms. Smith. Shall we?" sabay kuha niya ng aking travelling bag. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi na nakatanggi pa. Hindi ako sanay na itinuturing akong babae. Tahimik akong sumunod sa kanya.

Nang tumigil siya sa paglalakad ay napatigil din ako, mukhang may hinihintay siya. Nanlaki ang aking mga mata nang may tumigil sa harapan ko na limousine.

"Miss Bella," magalang na tawag niya sa akin.

Pilit na nakangiting nilingon ko siya. "Why?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa napapansin na sobrang galang niya sa akin, hindi ako sanay.

"Please get in," sabay bukas ng pinto ng limousine na nasa harapan ko.

What the ~ Ito ang gagamitin naming sasakyan? Nag-aksaya pa si Lolo ng pera, pwede naman kaming mag taxi. Si Lolo talaga! Atually, wala akong idea kung anong klaseng tao siya. Hindi naman kasi pala-kwento ang Mommy ko sa mga ganoong bagay. Noong patungo ako dito, doon lang siya nagsabi sa akin tungkol sa lolo ko at isang katangian lang ang sinabi niya sa akin tungkol dito— siya ay isang istriktong tao. Medyo kinabahan ako nang sinabi ni Mommy sa akin yun, all these years, ngayon ko lang makakaharap ang aking lolo.

Nang pumasok ako sa loob ng limousine ay isinara agad ng lalaki ang pinto. Nagtaka ako dahil hindi siya pumasok sa loob at sa halip ay yumuko lang siya na lalong nagpagulo sa isip ko. Binaba ko ang window mirror at tinanong ko siya. "Hindi ka ba sasama sa akin?"

"P-Po?" gulat na sambit niya.

"What I mean is, iiwan mo akong mag-isa dito?" tanong ko ulit sa kanya.

Ngumiti siya sa akin ng magaan. "Hindi po ako pwedeng sumabay sa inyo, Young Mistress. Ipinagbabawal po iyon sa amin," magalang na paliwanag niya sa akin.

Napanganga ako sa tinuran niya sa akin. Ano daw? Pinagbabawal? Nawi-weirdohan na ako sa kanya. Magtatanong pa sana ako kaya lang umandar na ang sasakyan, kaya kinawayan ko na lang siya bilang pamamaalam. Nang hindi ko na siya makita ay itinaas ko ulit ang window mirror.

Napabuntong-hininga na lamang ako at inilibot ang aking paningin sa loob ng limousine. Masyadong maluwang para sa isang tao ang sasakyan na ito. Nakakalungkot namang magbiyahe mag-isa. Napansin ko na tinatahak ng sasakyan ngayon ang kahabaan ng EDSA, nang may mahagip ang aking mga mata. Mga kalalakihan na nag mo-motorbike race. Naalala ko ang mga gangmates ko. Kumusta na kaya sila?

I hissed. Nakalimutan ko na nangako ako sa aking Mommy na magiging normal na babae ako at ititigil ko na ang pakikipagbasag ulo dahil hindi raw iyon gawain ng isang babae. Galit na galit siya nang napag-alamanan niyang isa akong leader ng sikat na Gang sa Japan. Hindi raw niya ako pinag-aral ng iba't ibang martial arts para lang makipagbasag-ulo sa walang kabuluhang bagay. Hindi siya tumigil sa kakaiyak nang gabing iyon. Dahil sa nakonsensiya ako ay nangako ako na magbabagong buhay. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit niya ako pinapunta ng Pilipinas, isa itong malaking palaisipan sa akin.

"Ma'am, we're here," announce ng driver sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako bumaba. Bubuksan ko sana ang pinto pero naunahan na ako ng isang lalaki.

"Thank you," nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

"Welcome home, Bella-sama."

Napanganga ako sa aking nakita—nakayukod na mga maids at butlers ang bumungad sa akin. Para akong isang prinsesa ng isang royal family. Sino ba talaga ang aking lolo?

"I'm glad you're here, Ms. Bella"

Tiningnan ko ang lalaking nagsalita. Marahil siya ay si Mr. Jackson, ang secretary ng aking lolo.

"Same here," tugon ko.

Nakangiting lumapit siya sa akin. "This way Ms. Bella," nauna siyang pumasok sa loob ng mansion, napapa-wow ako sa laki at ganda ng loob ng bahay. Huminto siya sa isang malaking pintuan, marahil nandoon ang aking lolo.

Nang buksan niya ito, tumambad sa akin ang eleganteng kwarto na may mga mamahaling gamit. Kung titingnan ang interior ng loob ng kuwarto ay para talaga sa isang babae ang design na iyon.

"Please sit down, Young Mistress," sabi niya sa akin.

Napangiti ako at umupo sa malambot na sofa. Teka, kanina ko pa naririnig ang 'Young Mistress', ako ba ang tinutukoy nila?

"Eto ang magiging kwarto mo 'pag nandito ka sa mansion."

Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran niya. "Ho? Bakit masyadong malaki?"

"May problema ba, Young Mistress?"

"Wala naman pong problema, kaya lang, nakakapanibago dahil sanay akong matulog sa sahig. Nasaan ho pala si Lolo?"

Ngumiti siya sa akin ng malungkot. "Pumanaw na ang inyong lolo, Miss Bella."

Gulat na lumingon ako sa kanya. "P-Po? When?"

"Three months ago."

"Po? Bakit ganoong katagal na? Kung wala na siya, bakit pa ako pinauwi dito? Akala ko, magkikita na kami."

"Matagal ka nang ipinapahanap ng iyong Lolo, kahit noong bago pa siya mamatay. Last week lang namin nahanap ang inyong address sa Japan, Miss Bella."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya sa akin. Naguguluhan ako sa pangyayari. Matagal na niya kaming pinahahanap?


Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon