Chapter 7: The Basketball Game

331K 5.4K 290
                                    


Chapter 7: The Basketball Game

Baketball Stadium

P.E. ang subject ko ngayon, nasa Basketball Stadium kami at nagwa-warm up para sa game namin mamaya nang bigla na lamang nagtilian ng malakas ang mga kababaihan doon. Napatakip ako sa aking tenga. Grabe! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Hinanap ko ang sanhi ng kanilang kaguluhan, napasimangot ako nang makitang paparating ang Black Dragon Gang—mga lalaki na tingin sa sarili ay Diyos ng kaguwapuhan.

Umupo sila sa bench kung saan ang mga players ng basketball ay nakaupo doon. Mukhang hindi naman susuwertihin ang araw ko ngayon. Bakit ba andito sila? Inis na inis akong nakatingin sa kanila. Nahuli ako ni Jace na minamasdan sila kaya agad akong umiwas ng tingin. Sh*t! Mamaya niyan, kung ano pa ang isipin nila.

Biglang pumalakpak ng malakas ang aming prof, tinatawag niya ang aming atensyon. "Class, hindi matutuloy ang pagba-basketball niyo ngayon dahil gagamitin nila ang basketball stadium para sa practice."

Marami akong narinig na nag-"yes" at tuwang-tuwa sa kanilang narinig. Nainis naman ako sa nangyari, kaya nagtaas ako ng kamay para magtanong.

"Yes, Miss Uy?"

"Ma'am, kung hindi po tayo magpa-practice, ano na lang po ang gagawin namin?"

"Hmm.. panoorin silang maglaro."

"Po?" gulat na sambit ko.

"Yes Miss Uy. Sigurado akong may matutunan kayo kapag pinanood niyo kung paano sila maglaro."

Pagkasabi noon ng prof namin ay nagpaalam na siya. Aangal pa sana ako pero bigla akong hinarangan ng mga babae.

"Pwede ba beggar, huwag mo kaming idamay sa kaartehan mo?"

"Oo nga. Minsan na nga lang namin mapanood ang Black Dragon Gang, tapos may balak ka pang pigilan iyon?"

"Subukan mo lang, kundi...." hindi na niya itinuloy ang pagsasalita at nagtinginan sila. Napakunot-noo ako nang bigla silang nagtawanan.

Napailing na lang ako at tinalikuran ko na sila. Sinasayang ko ang oras ko dito. Habang naglalakad ako paalis sa stadium, naiinis akong isipin na dahil lang dumating ang Black Dragon Gang ay hindi na natuloy ang mga lessons namin. Ano bang meron sa gang na iyan at ganoon na lamang umiwas ang mga professor sa kanila?

Malapit na ako sa entrance nang makasalubong ko ang grupo ni Princess.

"Oh!" gulat na turo sa akin ni Grace. "I'm glad you're here, Bella!" masayang bati niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanila. "Hi."

"Saan ka pupunta?" takang tanong naman sa akin ni Angel.

"Ah? Uuwi na ako."

"What? Hindi ka manonood?" tanong naman ni Princess.

"Yes." Pinal sa sagot ko.

"Why?" nanghihinayang na tanong ni Grace.

"Ayaw mo bang kilalanin ang kaaway mo?" nakangiting tanong sa akin ni Princess.

Anong pinagsasabi niya?

"Sabi nga nila, "keep your friends close, and your enemies closer."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin, Princess? Panoorin ko sila kung paano sila maglaro ng basketball? Makikita ko ba doon ang kahinaan nila?"

"Bakit hindi mo i-try?" naghahamon na wika niya.

Nagkatitigan kami ng matagal. Isang malakas na tilian ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Napatingin ako sa court kung saan pumasok na ang members ng Black Dragon Gang sa loob at mukhang mag-uumpisa na ang laban.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon