"Sana nga po." Sagot ko naman.

"Paalala ko lang sa'yo na umiwas ka muna sa mga gadgets, dahil posibleng maradiate ang iyong mata. Kapag naman maarawan ka ay magsuot ka na lang muna ng sunglasses, kumain ka rin ng maraming gulay at uminom ng vitamins."

Tahimik akong nakinig sa lahat ng sinabi ng Doktor.

Hanggang sa unti-unti na niyang tinanggal ang gasa pero nananatili lang akong nakapikit.

"Huwag mo munang ibuka ang iyong mata dahil sasakit iyan ng lubos, dahan-dahan mong buksan pero magbibilang ako hanggang tatlo."

"One..."

"Two.."

Napalunok ako bago mag-tatlo, "Three."

Marahan kong binuksan ang mata ko pero habang dahan-dahan kong binubuksan ang mata ko ay nararamdaman ko na ang sakit.

"That's alright."

Nang tuluyan nang dumilat ang mata ko ay wala pa akong lubos na makita. Nanlalabo pa kasi.

Ilang sandali ay nakakaaninag na ako, "Congratulations, Avy!"

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid. "Sa wakas, Avy!" Sabi ni Tita Cassandra sa akin.

Nakita ko din si Si Allen, at si Papa.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Walang patid ang pagdaloy ng luha ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Niyakap din nila ako pero matapos iyon ay nagtaka na ako dahil hindi ko nakita si Aivan.

"Nasaan po si Aivan?"

"Kasama siya ng Daddy Blake mo, huwag kang mag-alala at parating na rin ang dalawang iyon." Sabi pa ni Tita Cassandra.

May hawak akong salamin at tinignan ang bago kong mata. Kulay itim din ito pero mas lalo itong umitim kung ikukumpara sa dati kong mata.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita ko agad si Daddy Blake at kasunod naman niya si Aivan na inaalalayan pa niya.

Sobra ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mahal ko. Si Aivan ay nakasuot ng simpleng t-shirt, at short, nakita ko rin na may hawak siyang baston at nakasuot ng salamin.

Napakunot ang noo ko nang makita ko na tila wala sa direksyon ang tinitignan ni Aivan.

"Parang hindi ka naman yata kumakain diyan, ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong ko kay Aivan.

"Gusto mo talagang sabihin ko?"

Tumango ako, "Oo naman.. Para malaman ko kung ano rin ba ang nakikita mo." Sabi ko pa.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya, "Tinititigan lang kita. Kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha mo, para matandaan ko palagi." Mahinang sabi niya ngunit rinig ko pa rin naman.

Kumunot muli ang noo ko, "Eh ano namang ibig mong sabihin sa sinabi mo?"

Ilang sandali ay narinig ko ang pagtawa niya, "Wala naman.. 'Wag na nga nating pag-usapan iyan, sweetheart.. Kain kang marami para mabusog din si baby."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Aivan noong mga nakaraang linggo na ang nakalilipas.

Mabilis akong lumapit kay Aivan at niyakap siya ng mahigpit.

"Sobrang saya ko dahil nakakakita ka na." Sabi sa akin ni Aivan.

Walang patid ang pagdaloy ng luha ko habang yakap ko siya, "Nakakainis ka! Nakakainis ka! Paano mo nasasabing masaya ka kung ganyan ka naman?!" Umiiyak na sabi ko habang yakap ang bisig niya.

Hinalikan naman n'ya ang noo ko. "Tumahan ka na, baka maiyak din ako kung ganyan ka." Sabi niya sa akin.

"Letse ka! Letse ka! Sana hinayaan mo na lang ako na mabulag kung ganyan lang rin naman pala ang mangyayari!"

"Ssshhhh..."

Hindi ko binibitawan ang bisig niya, "Isinakripisyo mo talaga iyang mata mo para sa akin? Paano mo makikita ang baby natin kung bulag ka na?" Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Huh? Anong sinasabi mo? Anong isinakripisyo ang mata para sa'yo? At saka paano ko makikita ang baby natin kung bulag ako?" Tanong niya ngunit agad rin siyang nagsalita, "Akala mo ba ako ang nag-donate ng bagong mata mo, sweetheart? Sorry, pero hindi pa ako nababaliw para gawin ang bagay na iyon. Marami pa akong chicka babes na pwedeng tignan. Marami pa akong legs at boobs na makikita at marami pa akong porn na panunuorin kaya anong sinasabi mo?"

Napakunot naman ang noo ko, "Huh? E—Eh akala ko..... B—Bakit ganyan ang porma mo?"

May hawak na baston, may suot na salamin na animo'y bulag.

"International Blind day ngayon, sweetheart. Nakikiisa ako sa araw ng mga bulag. Kaya ito ang OOTD ko." Sabi niya na ikinanganga ko naman, "Ayos ba?"

"Hay nako! Ewan ko ba diyan kay Aivan at malakas na naman ang tama sa ulo." Sabi ni Daddy Blake na pakamot-kamot pa sa ulo.

"Hindi ka ba talaga bulag?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya, "Uhm, kinagat kasi ako ng kaaway kong ipis sa bahay kaya namamaga ang mata ko, tingnan mo." Sabi niya habang ipinapakita sa akin ang mata niyang namamaga.

"Letse ka! Pinaiyak mo ako dahil sa wala! Akala ko talaga ikaw na ang nag-donate!" Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya at muli akong niyakap, "Sobrang saya ko ngayon, grabe. Sobra... Hindi ko maipaliwanag ang feeling. Shet!"

Binatukan ko naman siya, "Hinahanap kita habang nasa operasyon ako pero wala ka naman." Sabi ko sa kanya.

"Bumili kasi ako ng mga gamot mo, iyon ang sinabi sa akin ng Doktor. Tapos noong bumalik na ako sa operating room ay ayaw na akong papasukin." Sabi naman niya sa akin, "Kaya sa labas na lang ako naghintay. Ang tagal mo ngang natulog eh, akala ko deds ka na."

Wala kaming ginawa sa araw na iyon kundi maglambingan, "Excited na ako sa kasal natin. Uhm, saan mo gustong ikasal tayo? Gusto mo bang sa church? Sa judge or sa garden wedding?"

Magsasalita na sana ako nang muli na naman siyang nagsalita.

"Garden wedding? Tamang-tama! 'Yan ang gusto ko! Uhm, tapos pagdating ng silver anniversary wedding natin, sa church naman tayo magpapakasal!"

"Hindi pa ako nakakapagsabi kung saan ba ang gusto ko, Aivan."

"Ssshhh... Shut up ka na lang, ako nang bahala. Isipin mo na lang na nanalo ka sa lotto dahil gwapong macho ang papakasalan mo. Ano?! Sagot!"

Ngumiti ako at kinurot ang matangos na ilong niya.

"G!"

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon