서른아홉

4.9K 142 19
                                    

"Leave him or I'll kill your child.."

Patuloy na nagrereplay sa utak ni Baekhyun yung pamilyar na boses ng isang babae, ayaw na sana niyang pag isapan pa 'to dahil sa totoo lang alam niyang makakagulo sa sitwasyon ang anak niya.

Hindi niya naman talaga ginusto 'to eh. Akala niya kasi kapag bumalik sila ni Chanhyun ay ganun pa rin. Hindi niya naman alam na kapag pinakilala niya si Chanhyun kay Chanyeol ay babalik ito sa buhay nila. Oo nga't gusto niya, pero the fact na may girlfriend si Chanyeol ay napapaisip siya sa mga dapat niyang gawin.

Kaya eto siya, iniimpake yung mga damit ni Chanhyun.

Mahigit isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ng tumawag yung babae at mahigit isang linggo na rin niyang pinag iisipan yung mga dapat niyang gawin. Ipinaalam niya agad kay Taeyeon ang buong pag uusap nila, sinabihan siya ni Taeyeon na ipahiram muna si Chanhyun hangga't hindi pa sila nakakapag usap ni Chanyeol sa mga pangyayari.

Kaya heto siya ngayon, iniintay ang pagdating ni Taeyeon habang pinagmamasdan si Chanhyun na naglalaro sa tabi ng natutulog na Chanyeol sa kama.

"Anak, wag kang malikot dyan at baka magising yung papa mo" sita ni Baekhyun nang makita niyang nagtatatalon na sa kama si Chanhyun.

Nilingon siya ni Chanhyun at tumango, "But papa is so tired last night. Maybe he'll wake up after I leave.."

Bumuntong hininga nalang si Baekhyun dahil naguguluhan na siya. Mabuti nalang at naayos niya na noon pa yung mga papeles ni Chanhyun pati yung kanya. Anytime pwede na silang umalis ng bansa.

Napatingin si Baekhyun sa pintuan ng may kumatok, itong mga nakaraang araw kapag may kumakatok sa pintuan nila ay natataranta siya, natatakot na baka patayin si Chanhyun.

"Baekhyun?"

Rinig niya pagkatapos ng ilang minuto niyang pagtitig sa pinto. Inaamin niyang natatakot siya, sino ba naman ang hindi matatakot kung sabihan kang papatayin yung anak mo. Oo, natatakot din siya na mawala si Chanyeol, pero mas natatakot siyang mawala yung kaisa isang taong nanatili sa tabi niya noong wala siyang masandalan.

Pinagbuksan niya si Taeyeon ng pinto at sinalubong siya nito ng yakap.

"Do what you really want, Baek," humiwalay si Taeyeon at cinupped ang mukha ni Baekhyun, "alam kong gusto mo 'to, kaya ipaglaban mo" sabi pa nito at ngumiti.

Alam ni Taeyeon na ikamamatay niya 'to, pero kailangan siya ni Baekhyun at alam niyang suporta lang ang kaya niyang ibigay para sa taong mahal niya.

"P-Pero natatakot ako.." sabi ni Baekhyun at yumuko.

"You dont have to be afraid. Andyan si Chanyeol, oh" sabi ni Taeyeon at nginitian si Baekhyun.

"Osya, sige na. Ililibot ko muna 'tng anak mo sa mall. Wag kang mag alala, kahit payat ako kaya ko siyang protektahan" sabi nito at tumawa pa kaya kahit papaano ay napangiti rin si Baekhyun.

Pagkaalis nila Taeyeon ay eksaktong nagising si Chanyeol.

"Oh, good morning.." bati ni Baekhyun, lumapit siya sa kama para ligpitin yung mga laruan ni Chanhyun sa kama.

Inilibot naman ni Chanyeol yung paningin niya at pinakinggan yung buong paligid.

"Nasaan ni Chanhyun?" Sabi niya at pumikit ulit.

Napagod kasi siya kagabi kakalaro kay Chanhyun. Madaling araw na rin sila nakatulog dahil nanonood pa sila ng mga movies.

Tumingin si Baekhyun kay Chanyeol at ngumiti, "Hiniram lang saglit ni Taeyeon. Ibabalik niya rin yun bukas." Sabi niya at nagpatuloy sa pagliligpit.

Delight || chanbaek (mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon