스물여섯

4.6K 187 51
                                    

"Sa tingin mo ba, tama na yung limang taon sa ginawa niya, Taeyeon?"

Nagulat si Taeyeon ng magsalita si Baekhyun, diretso niyang sinabi iyon at wala siyang maramdamang emosyon dahil bawat salita ay madiin.

"Baek---"

"Kulang pa yun, tinaboy niya kami ng anak ko!" Sigaw ni Baekhyun mula sa kusina.

Alam ni Taeyeon na hindi niya dapat ipilit pero alam niyang ito yung tama, ito yung gusto niyang ipaintindi kay Baekhyun kaya tumingin siya kay Chanhyun na naglalaro at bumuntong hininga, "Pero... Baek, naisip mo ba na paano kapag may nagtanong kay Chanhyun kung asan yung isa niyang papa?" Lumingon si Chanhyun kay Taeyeon kaya ngumiti siya, "anong sasabihin mo? At pano kung si Chanhyun na mismo yung magtanong sayo nun?"

Hindi nakarinig ng kahit anong ingay si Taeyeon sa kusina. Hindi na rin siya nag-abalang lumingon dahil ayaw niyang makita yung mga mata ni Baekhyun. Dahil sa tuwing napag uusapan nila yung ganito, kung hindi umiiyak ay naluluhang mata nito ang nakikita niya.

Tumayo si Taeyeon at kinarga niya si Chanhyun dahil tinawag na sila ni Baekhyun para kumain. Pagkaupo nila ay agad na tinignan ni Taeyeon si Baekhyun at tinawag ito.

"Baekhyun," panimula niya, sabay hawak sa kamay ni Baekhyun na nakapatong sa lamesa, "no matter what happen. Andito lang ako, you can always count on me"

Ngumiti si Taeyeon, tumango naman si Baekhyun at ngumiti ng maliit.

Matagal na rin pinag iisipan ni Baekhyun kung sasabihin niya na ba to o magpapakita sa kanila. Pero wala siyang lakas ng loob na gawin ito dahil natatakot siya.

Natatakot siya na baka kunin ni Chanyeol si Chanhyun, kunin na naman ni Chanyeol lahat pati yung puso niya. Alam niyang hindi na pwede. Dahil may Dara na si Chanyeol, at alam niyang darating yung araw na darating din yung kanya. Ayaw niyang lumaki si Chanhyun ng walang ama, pero mas ayaw niyang lumaki si Chanhyun sa isang sira at wasak na pamilya. Ayaw niyang isipin ng anak niya na ipinagkait ito sa kanila.

Ayaw niyang umasa si Chanhyun sa wala. Dahil alam niya kung gaano kasakit umasa.

Napakasakit, lalo na kung hindi kayang ibigay kung anong inaasahan mong ibibigay o gagawin sayo.

**

"Tara, baby," hinawakan ni Taeyeon yung kamay ni Chanhyun bago sila pumasok ng Supermarket, "hawak ka lang kay Tita ha?" Yumuko pa siya para antayin yung sagot ni Chahyun.

Ngumiti si Chanhyun at tumango, "Yes, Tita Taeyeon!"

Ngumiti si Taeyeon dahil napakacute ni Chanhyun.

Manang-mana kay Baekhyun. Siguro kasing gwapo 'to ni Baekhyun paglaki.

Nagsimula na silang maglakad at maghanap ng makakain at magagamit nila para sa isang maliit na handaan ngayong gabi.

Gusto niyang magcelebrate kasama sila Baekhyun dahil napromote siya bilang Head ng Department sa Call Center.

Hindi niya ineexpect na mapopromote siya dahil lagi siyang late kung pumasok, pero paglate naman siya talagang ginagalingan niya para walang masabi sa kanya yung boss nila.

"Tita, I want t-this..." Napatingin naman siya sa baba para tignan si Chanhyun kung ano yung tinuturo niya.

Pero nagulat siya ng may nakita siyang matatangkad na lalaki. Except yung dalawa na nasa unahan.

"Taeyeon?"

Napatingin siya kay Chanhyun na nakatalikod sa mga lalaking iyon, nakaharap kasi si Chanhyun sa kanya at inaalog alog yung kamay niya na hawak nito.

Delight || chanbaek (mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon