스물둘

4.7K 177 54
                                    

"H-Hindi na daw siya humihinga"

Halos hindi nila alam kung anong gagawin nila sa labas ng emergency room, hindi nila alam kung ano nang nangyayari sa loob dahil kapag sumilip sila mas lalo silang matatakot.

"Baby... k-kapit lang... please" bulong ni Taeyeon habang nakayuko.

Bumalik naman sa chapel ang mga magulang ni Baekhyun habang ang kuya nito ay bumalik sa hospital kung nasaan ang kanyang asawa ilang araw nang nakakaraan.

"B-Bakit nangyayari 'to, T-Taeyeon?" Sabi ni Luhan habang umiiyak.

Dahil pagkabalik niya kanina galing sa labas ay eto agad ang bumungad sa kanya.

"H-Hindi ko rin alam, Luhan... p-parang hindi ko k-kayang maging matatag kung ganito yung mga n-nangyayari..." sagot ni Taeyeon.

Tinakpan na ni Taeyeon yung mukha niya dahil natatakot na siya.

"Hija..." pagkarinig na pagkarinig niya ng boses ng mama ay agad siyang tumayo at tumakbo para yakapin ito.

"M-Mama..." iyak ng iyak si Taeyeon dahil alam niyang anytime, anytime kukunin na si Baby sa kanila.

Ni hindi man lang nakita ni Baekhyun, ni hindi man lang niya nayakap, at nahawakan. Dahil ang sakit sakit para sa kanya na mawala yung kaisa-isa niyang dahilan para mabuhay.

"Binobomba na daw po y-yung Baby. Hindi na d-daw po kasi h-humihinga" sagot ni Luhan. Dahil tinignan siya ng papa ni Taeyeon na halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Papasok ako sa loob. Hindi pwedeng mawala yung bata" sabi ng Papa ni Taeyeon, hinalikan niya muna sa noo si Taeyeon at niyakap niya naman ang kanyang asawa.

"Pa, please... d-do your best"

Huminga ng malalim yung papa ni Taeyeon, "Gagawin ko lahat, pero kung siya na talaga ang bumigay, wala na kong magagawa" sabi nito at dire-diretsong pumasok sa loob ng emergency room.

Kabado silang nag-aantay sa labas, takot sila na baka mamaya ay si Baekhyun naman ang sumunod.

Tinignan ni Luhan si Taeyeon na nakatunganga sa tabi niya, siniko niya ito, "Mukha kang gago, i-isara mo nga yang b-bibig mo..."

Tinarayan naman siya ni Taeyeon pero tumingin ulit ito sa kanya, "Lu, Thankyou ha? Thankyou k-kasi andito ka para kila Baekhyun"

Napangiti si Luhan dahil nakaramdam siya ng tuwa sa puso niya, "Wala yun. Kaibigan ko rin si Baekhyun. Kahit gusto kong sabihin sa kanila yung totoo ay hindi ko magawa dahil alam ko," tumango siya at ngumiti, "alam kong darating yung araw na malalaman nilang lahat yun at pagsisisihan nila lahat ng ginawa nila kay Baekhyun"

Tumango naman si Taeyeon sa sinabi ni Luhan.

"Pero hindi ako papayag na malaman ni Chanyeol ang totoo. Gusto kong kapag nalaman niya yung totoo, kinabukasan wala ng Baekhyun at Baby siyang babalikan"

Tumango nalang din si Luhan. Sinabi niya sa sarili niya na siya mismo ang gagawa ng paraan para mabuo ung pamilyang dapat kay Baekhyun.

At wala kang magagawa, Taeyeon. Dahil hindi mo alam, hindi mo alam na matutulungan mo ko sa plano kong iyon.

Matagal tagal na oras ang dumaan, ngunit wala pa rin. Walang doctor or nurse ang lumalabas para sabihin sa kanila na okay na, na wag na silang mag-alala dahil nakakahinga na ulit si Baby.

"Sana... sana magawan pa nila ng paraan. Dahil panigurado, pag nawala yung bata pati si Baekhyun mawawala" sabi ni Taeyeon pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Delight || chanbaek (mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon