서른다섯

5K 186 76
                                    

"M-Meron..."

Napatingin naman si Sehun kay Luhan. Kinakabahan si Sehun dahil ayaw na ayaw niyang pinangungunahan ng isang tao ang isa pang tao pagdating sa pagdedesisyon, at ngayon, eto na yung nangyayari sa harap niya.

Inalog niya yung kamay ni Luhan na hawak hawak niya, dahilan para mapatingin sa kanya ang kasintahan at nilakihan niya ito ng mata.... pero walang nangyari sa mata niya, ganun pa rin.

"Sehun," tawag ni Chanyeol sa kanya kaya napatingin siya kay Chanyeol, maski siya ay kinakabahan sa mga maririnig o malalaman niya pero hindi niya lang pinahahalata, "wag mo siyang pigilan" sabi nito at huminga ng malalim.

Iniwas ulit ni Sehun yung tingin niya kay Chanyeol at tinignan si Luhan, "Alam niyong maglalawyer ako. At alam niyong ito yung pinakaayoko," pagkatapos ay tumingin na siya ng diretso sa mga mata ni Chanyeol, "Intayin mong si Baekhyun mismo yung magsabi---"

"Lahat ng sinabi ni Baekhyun sayo," huminga si Luhan ng malalim at tinitigan ng mabuti yung mata ni Chanyeol, "lahat yun t-totoo"

Sa sinabing yun ni Luhan ay nahampas ni Sehun yung lamesa na ikinagulat ng iba dahil hindi niya ito nagawa at ginagawa sa kanila.

"What the fuck are you thinking?!" Sigaw niya kay Luhan kaya napapikit si Luhan.

Hindi naman malaman ni Chanyeol kung alin sa mga sinabi ni Baekhyun ang totoo.

"Bakit mo sinabi sa kanya?!" Sigaw ni Sehun. Habang si Kris ay hinila na pataas si Sehun dahil umiiyak na si Luhan.

"Lets go somewhere else" bulong ni Kris kay Sehun.

Bago naman tuluyang umalis sila Sehun ay pinunasan niya muna yung luha ni Luhan at hinalikan siya sa noo.

Mahabang katahimikan ang nagdaan. Halos si Luhan at Chanyeol lang ang nakakaintindi sa mga nangyayari.

Ipinatong ni Chanyeol yung dalawang kamay niya sa lamesa at huminga ng malalim, "Totoo rin ba yung sinabi niyang buntis siya?" Tanong ni Chanyeol.

Tumulo naman bigla yung luha ni Luhan dahil hindi niya alam kung ano tong pinasok niya, na hindi na niya kaya pang itago yung katotohanan kay Chanyeol, ayaw niyang pangunahan si Baekhyun sa pagsasabi ng totoo pero anong magagawa niya?

Putang inang loudspeaker kasi yan eh.

Umiling si Luhan, "W-Wag mo sakin i-itanong yan..."

Dahil sa sinabi n Luhan ay nainis si Chanyeol, andito na eh, ramdam na ramdam na niyang malapit na siya sa katotohanan.

"Luhan, please, tell me" pagmamakaawa ni Chanyeol.

Umiling lang si Luhan at yumuko.

"I think it's better kung kay Baekhyun mo itatanong yan" suggestion ni Kyungsoo.

Napatingin si Chanyeol sa kanya habang naniningkit yung mga mata, "Alam mo rin to?" Bakas sa boses niya yung gulat at inis.

Dahil sa halos 6 na taong nawala si Baekhyun ng hindi niya alam, ay kasama niya lang pala yung mga taong makakapagpaliwanag sa kanya kung bakit. Pero mas nainis siya ng marealize niyang mga 'kaibigan' niya yung taong yun.

Tumayo si Chanyeol, "So ganun? Kayo yung nagpupumilit noon na baliw si Baekhyun tapos ngayon babawiin niyo?" Sabi niya habang naiinis at tinuturo si Luhan at Kyungsoo.

"Chanyeol---"

"Hindi, Kyungsoo. Bakit? Bakit ngayon niyo binabawi sakin to?" Sabi niya habang nakatingin kay Kyungsoo.

Delight || chanbaek (mpreg)Where stories live. Discover now