서른하나

4.8K 184 121
                                    

"Pwede ka namang sumama eh," panimula ni Taeyeon habang hinahanapan ng damit na pampalit si Chanhyun, "wala naman akong pasok ng Sunday kaya ako nalang magbabantay sa kanya" dagdag pa ni Taeyeon habang papalapit sa higaan ni Chanhyun.

May sakit kasi si Chanhyun ngayon, plus, nagsusuka siya kaya ayaw niyang sumama sa swimming na sinet ni Luhan this sunday.

"Ayoko nga. May sakit yung anak ko tapos magpapakasaya ako dun?" Nilingon niya si Taeyeon na nasa gilid ng kama ni Chanhyun, "Para namang napakawalang kwenta kong magulang kung gagawin ko yun, diba?" Sabi pa niya at bumalik sa pagpupunas ng katawan ni Chanhyun.

Sa kakatakbo kasi ni Chanhyun sa playground ay nadapa ito. At ayun, napilayan siya dagdag na rin ang lagnat niya kaya buong araw nagpapahinga si Chanhyun.

"Hindi sa ganun, Baek. Have fun, you know. Hindi porket may anak ka na eh magtatrabaho ka nalang forever" sabi ni Taeyeon at kinuha yung pamunas kay Baekhyun para punasan yung right side ni Chanhyun.

Inirapan ni Baekhyun si Taeyeon habang hindi ito nakatingin, nang lumingon si Taeyeon ay agad siyang dumila, "Alam mo, Taeyeon, wala kasing forever," sabi niya habang dinadamitan si Chanhyun, "atsaka being with Chanhyun and also with you is fun" tinignan niya si Taeyeon at nginitian.

Napansin naman ni Baekhyun yung pamumula ng pisngi ni Taeyeon pero hinayaan niya nalang. Baka kasi sobrang hot niya lang kaya namula si Taeyeon.

"Eh basta, sasabihan ko si Lu poop na sasama ka" sabi ni Taeyeon at dinilaan si Baekhyun.

Napalingon naman bigla si Baekhyun kay Taeyeon dahil sa sinabi niya, "Hindi nga kasi pwede, Tae---" hindi na natapos ni Baekhyun yung sasabihin niya nang tumayo si Taeyeon at kinuha yung phone niya sa taas ng computer table.

Pagka-open ni Taeyeon ng phone ni Baekhyun ay agad siyang nagtungo sa Memo, kung saan dun itinatala ni Baekhyun yung mga dapat niyang gawin, tapusin, ipasa or kahit anong schedule niya for the said date.

Umubo si Taeyeon ng tatlong beses bago nagsimula, "So, based on tour Memo, it is said that you have nothing to do this sunday and," lumapit siya kay Baekhyun at itinapat sa mukha nito yung phone niya, "the word is written in capital letters which reads as F-R-E-E or free" sabi pa niya sabay off ng phone ni Baekhyun at abot sa kanya.

Padabog namang kinuha ni Baekhyun yung phone niya kay Taeyeon.

"How could you?" Tanging saad ni Baekhyun habanv tumatawa si Taeyeon na pangwitch.

*

Sunday, 3:00pm

"Alam naman ni Luhan na may hotel kami diba?" Bulong niya sa sarili niya habang papasok sa loob ng venue.

Nauna si Baekhyun sa venue ng pagsiswimmingan nila. Isa rin iyong hotel ngunit mas kilala kaysa sa hotel nila, kaya naisipan niyang maglibot libot para malaman kung bakit kilala at maraming naeengganyo sa hotel na ito.

Habang naglilibot libot siya aa main floor ay nagring ang phone niya.

Dahil nasa loob pa ito ng bag niya ay hindi na niya kinuha pa. Naisip niya kasing baka si Daehyun lang iyon.

Isa pa yung mokong na yun, hindi niya tinatantanan si Baekhyun kakatanong ng kung anu ano, katulad ng sino yung bata sa wallpaper niya, kung asan sila Chanyeol, kung bakit sila nagbreak, kung saan siya nakatira and the basics.

Hindi sa nag-aassume siya pero feeling niya, feeling niya lang naman na ginagawa yun ni Daehyun para maging close sila.

Tsaka sabi ni Taeyeon, "Habang andun ka, wag na wag kang sasagot ng tawag sa phone mo"

Delight || chanbaek (mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon