I Hate You, I Love You

Start from the beginning
                                    


"Chantal, this is not right."


I just smiled. "Not all the right things can make you happy Seven." Sagot ko. Lumayo ako ng kaunti at kinuha ang gamit ko. Hinarap ko siya ulit bago ako nagpaalam dito.


"See you later, Seven ko." Sabi ko dito at agad ng bumaba. Naghihintay na ang bodyguards ko sa akin. Hinatid nila ako sa school at hinintay rin ang paglabas ko.


I finished two paintings today. Isa iyong nakawedding gown ako habang nasa may fountain. Iyong pangalawa ay si Seven habang minamaneho ang wedding car namin. Ang galing diba?


Pagkarating ko sa resort ay maraming empleyadong nagkakandaugaga. All of them are preparing the function hall. Maraming pulang bulaklak, red carpet at mamahaling mga vases na inilalagay.


"Sinong darating?" tanong ko sa isang empleyada na nag aayos ng mga bulaklak.


"Wala pong darating. Birthday party mo ni Ma'am Allanis." Sagot niya. Tumango ako.


"Ang sweet po ni Sir Seven noh?" puna noong babae bago ginupit ulit iyong mga tinik ng bulaklak. Yeah, right. Ang sweet nga ni Montreal.


I clenched my teeth and went back to his house. Pagka akyat ko ay wala siya roon. Kahit sa opisina niya o sa kwarto ay wala siya. I want to talk to him right now!


Why does he care for Allanis so much? Bakit sa akin hindi niya magawa iyon? Does he really love her? Is she his rule? Damn it.


Nagkulong lang ako sa kwarto ko hanggang sa gumabi na. Tumunog iyong cellphone ko at nakita ko ang text ni Kuya Seth sa akin.


From: Kuya Seth

Cha, baba ka. Punta kang function hall. Party party tayo.


Nag reply ako kaagad.

'Pababa na po Kuya.'


Yes Cha. Bumaba ka. Huwag kang magkulong dito. Nothing will change if I will stay here. I have to go down and see for myself. I have to experience it first hand. I have to feel it personally.


Hindi na ako bata para tumakbo at magtago. I am a grown up lady now. I am stronger. I am no longer the child who cries over a Barbie doll. I will go down there and take my man.


Nagbihis ako ng itim na dress. Bukas ang magkabilang gilid ng beywang ng damit at hanggang tuhod ko lamang iyon. I just let my hair fall down from my shoulders and just wore a light make up. I took my black stiletto and went to the function hall.


Nagsisimula na ang party noong makarating ako. Everyone is greeting Allanis for her birthday. Nakasuot lang siya ng puting turtle neck dress at nakakapit ng mahigpit sa braso ni Seven.


Few men looked at my direction but I kept my stare directed at Seven Montreal. Mukhang naramdaman niya ang titig ko kaya nilingon niya ako. Kumunot ang noo niya at sumama ang tingin sa akin.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now