Hindi ko na lang sinagot ang sinabi ni Dad.

"Kuya, how's ate? Is she okay?" Sabi ni Jill at lumapit sakin.

"No. She's not, princess. Comatose si Ate Jayke. And we never know when will she wake up.." Malungkot na paliwanag ko sa kanya.

Nakakaramdam na naman ako ng lungkot. Bakit kailangan pa kasi na mangyare samin to? Bakit saming dalawa pa? Sinusubukan ba yung tatag naming dalawa?

Napailing na lang ako. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko.

"Magpahinga ka muna. Mamayang hapon ang dating dito sa pilipinas ng mga magulang ni Jayke." Mabilis akong napatingin kay Dad dahil sa sinabi niya.

"How come? Did you tell them that Jayke is critical?" Nag aalalang tanong ko.

"No. Nakaschedule talaga silang umuwi ngayon. Marahil para dalawin ang kanilang anak. Alam mo namang may problema diba at isang linggong walang nakakaalam kung nasan si Jayke." Paliwanag ni Dad.

Kailangan ko silang makausap. Kailangan nilang malaman kung anong nangyare kay Jayke. Hindi ko alam kung natawagan na ng mag asawang Suarez ang mga magulang ni Jayke.

"I don't know what to do Dad.. I feel guilty.. I'm scared.. I can't find the reason to be fine.." Seryoso akong tumingin kay Dad.

"I can't find the right words to cheer you up, son. Pero kung hindi lang nangyare to, nagawan na sana ng paraan ng mga kaibigan mo ang problemang ginawa ng mommy mo." Inabot sa akin ni Dad ang isang envolope.

"What's this?" Nagtataka kong binuksan ang brown envelope.

"Nandyan ang mga papeles na kailangan sa pagbili ng shares ng mommy mo sa kumpanya ng mga Suarez. Formality na lang ang kailangan. Sa katunayan, kakagaling lang ni Alex at Michael sa Singapore para ayusin yung clothing line nyo dun. Naayos ko na rin ang pera na kailangan para sa pagbili. Handa na rin ang mga magulang ng mga kaibigan mo sa pagbili ng shares. Triniple namin ang presyo para pumayag ang board of directors na ibigay ang more than half of shares ng mommy mo. Lahat yun, inasikaso ng mga kaibigan mo." Paliwanag ni Dad.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now