4.5: {Kath} Ako Na Lang Sana

2.7K 44 13
                                    

A/N: Expect more special chapters later on. :) This is under Kath's POV.

-*-*-*-

SPECIAL CHAPTER: Ako Na Lang Sana

"Paano na to?" Tanong niya for the 500th time.

"Akala ko ba tutulungan mo akong mag-empake?" Reklamo ko. Tinignan ko siya. Nakaupo siya sa kama ko, at nakayuko siya, his hands covering his face.

"Kath, paano mo na akong tulungan, eh, nasa ibang bansa kana?" Tanong niya nanaman. Kahit ang stressed niya, napakagwapo parin niyang tignan. Parang prinsipe na may maraming inaasikaso.

"If there's a will, then there's a way." Sabi ko, habang sinasara ko nang maayos ang maleta ko. Mahirap na tong gawin dahil, punong-puno na ito.

"Ewan ko na talaga." Sabi niya, tas tumayo na siya para tulungan akong maisara ang aking bag.

"Kaya may kasabihan na, kung mahal mo ang isang tao, gagawain mo ang lahat para mahalin ka rin niya." Sabi ko. Eh, ganun rin naman ang nararamdaman ko para sakanya. Manhid 'to, eh. Nangdito na nga ako, eh, iba parin ang hinahanap.

"Pero, sabi rin nila, kapag mahal mo yung isang tao, dapat kaya mo rin siyang pakawalan dun  kung saan siya masaya." Sabi niya, sabay upo ulit sa kama ko.

Ouch. Natamaan ako dun ah.

"Bakit ba kasi siya?" Tanong ko, trying to not sound envious. Umupo na rin ako sa kama ko.

"Bakit siya?" Inulit niya.

"Ang daming iba dyan na kasing ganda niya na gustong-gusto ka,ah. Bakit dun ka pa talaga kay Julia, na wala namang pagtingin sayo?" Explain ko naman.

"Oo, pwede na nga nating sabihin na si Julia ang isa sa mga pinakamagandang babae na nakita ko sa balat ng lupa, pero hindi lang dahil sa kagandahan niya kaya ko siya nagustuhan, eh. Kasi pati ang puso niya, napakaganda."Sabi niya, habang nakatulala sa kisame. Yung itsura niya parang isang scene sa pelikula, yung parang sobrang lovestruck.

Pinakamagandang babae sa balat ng lupa? Nakakainsecure naman oh.

"Um---" May sasabihin sana ako.

Pero di pa pala siya tapos. "Alam mo yung time na namigay yung MGC (Montes Group of Companies) ng mga donations sa isang orphanage?"

"Nangdun ata ako." Reply ko in a very sarcastic way.

Hindi niya pinansin yung tono ng pananalita ko. "Alam mo yung kahit ang daming artista dumagsa sa event na yun, kahit ni isa lang man sakanila, hindi niya pinansin, dahil busy siya sa mga bata?"

"Parang palusot mo lang yan dahil hindi ka rin niya kinausap kahit once!"

"Eh, kaya nga. Kasi busy siya sa mga kabutihang ginagawa niya." Sabi niya, nakangiti na ngayon sa kisame.

"Ginagawa niya yun, kasi company nila ang naghost sa event na yun." sabi ko.

"Galit ka ba? Parang iba na ang vibes mo."

"Hindi," sabi ko. "Ayaw ko pa kasing umalis sa Pilipinas." Totoo yun. Masaya ako para sa tatay ko kasi yung career niya is going in the right path, pero mahirap iwanin ang buhay ko dito.

Inakbayan niya ako. "Haaaay, Kath. Sayang hindi na ako makakapag-goodbye sayo bukas, and you know why naman diba? Alam mo, kahit ang hirap aminin, mamimiss kita." sabi niya, habang nagsasmile saakin. Mamimiss ko yang smile niya.

Nagblush ako. Pero alam ko na friend lang talaga ang tingin niya saakin.

Ang swerte talaga nitong si Julia. Haba ng hair!

-*-*-*-

A/N: OMG.... Sino kaya tong kausap ni Kath? ABANGAN!

Ayan... Nagpost na ako. :)

I'm not sure if when ko i-post yung Chapter 5, pero nakasave na ito sa laptop.. Baka mamayang gabi? :))

Anyway, salamat talaga, kasi wala pa ngang 48 hours, at 200+ reads na ito agad. I super appreciate it, kaya THANK YOU talaga! :)

Also, if you want a chapter dedicated to you pala, just comment, don't be shy.  :)

Most importantly, do not forget to vote, comment and become a fan. :)

**shewillalwaysbeloved**

[ON HOLD] Nobody Else But YouWhere stories live. Discover now