"Hintayin mo ako sa langit."

Kasabay ng mga salitang yun ay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Alam kong nararamdaman na niyang hindi na ako magtatagal. Niyakap ko siya. Yakap na sobrang napakahigpit na para bang hindi ko na siya gustong pakawalan.

"Salamat.." Yan lang ang salitang nasabi ko.

Salamat bunsoy.. Hihintayin kita. Kahit gaano katagal maghihintay ako sa 'yo.

*****

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng ferres wheel. Nagsisimula na rin itong umikot. Magkatabi kami habang nakasandal ako sa kanya at nakayakap siya sa akin mula sa likuran. Ramdam ko ang malamig na hanging yumayakap sa amin. Nakikita namin ang mga nagniningning mga bituin sa langit. Pakiramdam ko rin malapit lang kami sa buwan.

"Salamat.. Salamat dahil nandito ka sa tabi ko. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin ang mga bagay na hindi ko naramdaman mula pagkabata. Naranasan kong maging malaya. Makasakay ng ferres wheel dahil sa 'yo. Salamat.." Hindi ko alam kung may lumalabas pa bang boses sa bibig ko. Gusto na ring pumikit ng aking mga mata. Umayos siya ng upo at pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Namumutla ka na. Bumalik na tayo sa hospital." Ang halos pabulong niyang sabi. Halata sa boses niya ang pag-aalala. Pilit akong ngumiti sa kanya at umiling.

"Inaantok na ako. Gusto ko matulog habang nakaupo at katabi ka. Gusto ko matulog dito na tanging mga bituin at buwan yung ilaw natin. Wag mo na akong ibalik sa hospital. Gusto ko lang dito sa tabi mo. Gusto ko makita ang sunrise mamaya na kasama ka." Tumitig lang siya sa akin. Alam kong nagdadalawang isip siya. Hinawakan ko siya sa mukha at pilit na ngumiti. "Pwedi mo ba akong kantahan?"

Tumango naman siya at ngumiti. Sumandal ulit ako sa kanya habang yakap niya ako patalikod. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghila sa 'kin ng antok. Gusto ko man labanan. Gusto ko mang salubungin ang araw mamaya. Gusto ko man makapag-paalam sa mga taong posibleng maiwan ko pero pakiramdam ko wala ng natitirang oras.

Hanggang dito na lang ba ako?

Hinawakan ko ang kamay ni Heaven King. Ang kamay ng lalaking nagpabago sa takbo ng buhay ko. Ang kamay ng taong mahal ko. bago ko sinabi ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin at matagal na niyang gustong marinig.

"Mahal kita..

Bunsoy.."

Sa unang pagkakataon na sabi ko ang mga salitang gustong-gusto sabihin ng puso ko bago ko tuluyang naipikit ang aking mga mata.

*****

Heaven's P.O.V

"Mahal kita......

Bunsoy.."

Nang marinig ko ang mga salitang yan parang may patalim ang sumaksak sa puso ko. Dapat maging masaya ako. Dapat makaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas narinig ko na ang mga salitang gustong-gusto ko marinig mula sa kanya. Ang pagtawag niya sa 'kin ng bunsoy dapat matuwa na ako pero wala akong maramdamang saya dahil ang nararamdaman ko ay takot. Takot dahil baka ito na ang una't huli na maririnig ko sa kanya ang mga salitang yan.

I need to talk with you again
Why did you go away

Naramdaman ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa 'king katawan.

All our time together just feels like yesterday
I never thought I'd see
A single day without you

Bakit nga ba kay bilis ng mga pangyayari?

God.. please nakikiusap ako. Nakikiusap ako wag niyo muna siyang kunin sa akin.

The things we take for granted we can sometimes lose.
And if I promise not to feel this pain
Will I see you again,
Will I see you again...

Naramdaman ko ang unti-unting pagkaluwag ng hawak niya sa kamay ko. Bigla ako nakaramdam ng kaba at takot.

"R-Rhett.." Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko. Pigil na rin ang aking hininga. Nagsisimula na ring namuo ang luha sa 'king mga mata. "Gumising ka please.. Wag ka munang matutulog.. Sasalubungin pa natin ang araw mamaya.. Baby..Bunso.. Please... please please." Humahagulgol na ako ng iyak. Humihigpit na rin ang yakap ko sa kanya. Para na akong mababaliw sa kaiiyak. Nang mga oras na yun pakiramdam ko niyayakap niya ako dahil sa sobrang lamig na bumabalot sa aking katawan.

"Hihintayin kita..."

Kasabay nang bulong ng hangin sa akin ay ang tuluyang paglaglag ng kamay niya na nakahawak sa aking kamay.

Cause time will pass me by
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through,
If you wait for me.
And all the tears I cry,
No matter how I try.
They'll never bring you home to me,
Won't you wait for me in heaven.

Hintayin mo ako.. Hintayin mo ako bunso..

Cause I miss you so
And I need to know
Will you wait for me.




End..

Twisted RevengeOn viuen les histories. Descobreix ara