One

22.3K 505 66
                                    

"Rhett Lester!"

Sigaw ni Rhea sa kabilang kwarto. Magkatabi lang yung kwarto namin at sa gitna ay may pinto na nag-uugnay sa mga silid namin.

Kapag buong pangalan ko na ang sinasabi nito, for sure galit na naman ito.

I rolled my eyes. Tssk! ano naman kayang nagawa ko? I asked myself innocently as if wala akong alam.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa pagitan ng mga kwarto namin. Hindi na ako nag aksaya pa na tumingin kung sino ang pumasok. Sa black evil aura palang na nararamdaman ko alam ko na kung sino ito.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro. Ramdam ko na nasa gilid ko lang ang nag mamay-ari ng itim at masamang aura na nararamdaman ko.

"Do I need to shout my dear twin brother?" She said with an irritated voice.

Kahit hindi ko ito tingnan alam kong naka-cross-arms, nakataas ang isang kilay, nakakunot ang noo at naniningkit na naman ang mga mata nito.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Seriously? Ako pa tinatakot ng babaeng 'to. Kahit sumigaw pa siya hanggang sa mawalan siya nang boses, ito lang masasabi ko WALA AKONG PAKI!

"How dare you to ruined my date?!" Pagalit na tanong nito. "Mag poproposed na sana ako, but look?! Tingnan mo ang ginawa mo sa damit ko!" Itinapon niya sa harap ko ang isang damit.

A Red dress with a tiny diamond stone. Noong una ko nga itong makita namangha ako sa ganda nito. Kahit sino yatang babae lalo na kung maputi ay gaganda kapag sinuot ang damit.

Pero dahil isa akong dakilang demonyong kapatid sa demonyita kong kakambal kaya hayun ginupit-gupit ko ang damit na pinakaiingatan niya. Tuwang-tuwa pa nga ako habang ginupit-gupit ko ang damit na yun sa t'wing naiisip ko ang magiging reaksiyon ng kambal ko. It's my revenge, she ruined my date too.

"How could you do this to me? Matagal kong pinaghandaan ang araw na 'to. Tapos sisirain mo lang!"

"Makipag-date ka, makipag-kita ka sa lalaking naghihintay sa 'yo. Hindi naman kita pinipigilan eh." Kibit balikat kong sabi without looking at her.

"Sinira mo nga ang damit ko! You ruined everything!"

Hinarap ko siya. Nakabakas sa mukha niya ang inis sa akin. I give her an evilish smile.

"Ooops, hindi ko sinasadya." Yan din ang sinabi niya sa akin nung ginupit niya rin ang damit na susuutin ko sana sa date namin ni Irish.

"I don't like her! Napaka plastic niya." Nakataas kilay na sabi ng kambal ko.

"And I DO NOT like your Boyfriend too, para siyang bakla."

Nagdilim ang mukha ng kambal ko. Oopss, did I say something wrong?

"He's not a fag!"

"Yeah! He is not a fag. Kaya hanggang ngayon hindi ka pa niya nahahalikan sa lips. Kaya hanggang ngayon ikaw lang nag e-efort sa relation niyo and diba sabi mo mag poproposed ka sa kanya?" Tumawa ako nang mahina. "Seriously Rhea Zain, magpoproposed ka sa lalaking ginawa ka lang panakip butas para mapagtakpan ang kabaklaan niya!"

Rhea Zain frowned. Lahat nang sinabi ko ay totoo. Siya mismo nagsabi sa akin na never pa raw siyang hinalikan ni Heaven sa lips. Tawa nga ako nang tawa dahil One year na sila pero sa pisngi lang siya hinahalikan ng boyfriend niya. Ni hindi pa nga siya ipinapakilala nito sa pamilya. Di nga rin niya nga alam kung saan ito nag-aaral. She's crazy, she wanted to propose to a total stranger!

"Bakit mo ba pinagpipilitan na bakla siya? Bakit ba ang sama mo. I hate you kambal! I hate you!"

"Co'z he is! You want evidence? Tingnan mo nga yung Facebook niya. May post siya kanina eh with his 'boyfriend' anniversary niyo ngayon tapos iba kasama niya, tssk! Kawawa ka naman." Pang-aasar ko.

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon