Five

10.6K 397 36
                                    

Rhett Lester's P.O.V

"W-wag kang lumapit." Sabi ko habang napapaatras dahil palapit naman ito nang palapit.

He only give me a smirked. Nagpatuloy pa rin ito sa paglapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na na corner na ako. Sapol na ng pader ang aking likod. Hindi na ako makakaatras pa.

"Dead end." Pabulong na sabi niya sa akin. Napakalapit na ng mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga.

Napapalunok ako ng laway habang titig na titig sa napakagwapo niyang mukha.

Shit! Ano bang nangyayari sa akin?

Napapikit ako nang ngumisi siya sa akin at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Alam kong ilang segundo na lang mahahalikan na naman niya ako. Mararamdaman ko na naman yung kakaibang kuryente na naramdaman ko noong unang hinalikan niya ako.

One second..

Two seconds..

Three seconds..

Kumiskis na sa ilong ko ang ilong niya. Alam kong konting-konti na lang dadampi na ang mga labi niya sa mga labi ko.

Gusto kong ibuka ang mga mata ko. Gusto ko siyang itulak. Pero parang wala akong lakas na gawin ang mga yun.

"What's happening here?"

Tanong ng isang maawtoridad na boses na kilalang kilala ko.

Kuya?

Nang marinig ko ang boses na yun ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napamulat ako ng mga mata at agad na itinulak si Heaven.

Nangunot ang noo at naniningkit ang mga matang tiningnan ako ni Heaven.

Oopss. Sorry kung napalakas ang tulak ko.

"Anong ginagawa niyo?" Seryosong tanong ni kuya Theon. Naniningkit ang mga mata at nakacross-arms pa ito.

He is two years older than me. He's tall, mascular and rude. A serious handsome good looking guy. Minsan lang ngumiti. Pero nakakalaglag panty sa karamihan ang killer smile nito.

"Can't you see? I kissed your brother. Nah! bulag ka ba?" Walang ka gatol-gatol na sabi ni Heaven sa kapatid ko.

Napanganga naman ako nang marinig ko ang mga salitang iyun ni Heaven. Yung totoo, hindi ba siya marunong gumalang? At bakit gano'n ang sinabi niya kay kuya? Hindi nga dumampi sa mga labi ko ang mga labi niya. Hindi niya ako hinalikan!

Sinagot niya pa talaga ang kapatid ko ng gano'n! Kung alam niya lang kung paano ito magalit. Kung alam niya lang kung anong klaseng lalaki ang kaharap niya. Mabait ito pero wag na wag mo lang gagalitin dahil nagiging ibang tao ito.

"Sinong hinalikan?" Sabay na tanong ng dalawang boses na nanggaling sa dalawang lalaki.

Hindi ko alam kung sino sa dalawa ang una kong haharapin at una kong pagpapaliwanagan.

Si papa ba na nasa hagdanan? O

Si Daddy na nasa pintuan?

Napa face palm na lang ako. I really met a jerk!

"HAHAHAHA!" Malakas na tawa ng Hari! Hari nang kagaguhan! Kayabangan! Kademonyuhan! Ang Kambal ni Lucifer!

Napatingin naman kami sa kanya. Nakababa na si Papa Rhett. Nakalapit na rin si Daddy at inakbayan si papa. Kapwa nakakunot ang mga noo nila. Si kuya Zxander Theon naman, Theon for short ay simpleng ngumiti kay Heaven.

Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata at ilang sandali lang ay sabay silang tumawa at nagyakapan sa isa't isa.

Anong nangyari?

"Kumusta naman ang mayabang na si Heaven King? It's been a long time." Nakangiting sabi ni kuya.

"Gwapo pa rin."

Yabang!

"Wait! Sandali lang, sinong hinalikan?" Tanong ulit ni Papa Rhett. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa amin ni Heaven.

"I kissed hi-"

Bigla kong siniko si Heaven. Tsk tsk! mukhang magsisinungaling na naman ang demonyo.

"N-napuwing lang po ako, pa. Wag po kayong maniwala sa lalaking 'to!"

Oh! Another award winning liar. I guess I'll need to give myself a trophies.

Natatarantang sabi ko. Tiningnan ko nang masama si Heaven. 'Yung loko tinawanan lang ako!

"Bakit ka nga pala nandito, hijo?" Seryosong tanong ni daddy sa kanya.

"May pupuntahan lang po kami ni Lester."

"Pero-"

"No buts!" He smirked. He give me a 'kapag tumanggi ka may mangyayari sa 'yong hindi maganda' looks.

*****

"It's just for a couple of months."

"A couple of months is like years in my life! and hello?! Are you out of your mind? Lalaki po ako! Maghanap ka na lang ng iba! Wag ako. Hindi pweding ako."

Hindi ko alam kung naka-drugs ba ang lalaking 'to o sadyang may sayad lang ito. Ako? na lalaki, gagawin niyang girlfriend for a couple of months. Nah! hindi ako baliw para pumayag sa kalokohan at kabaliwan ng demonyong nasa harapan ko.

Kasalakuyan kaming nasa isang bar kung saan napakaingay at maraming nag-iinuman. Meron ding sumasayaw na mga babae sa stage. Mga babaeng halos wala ng saplot na suot.

"Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko sa mga ganitong lugar." Seryoso kong sabi. Yung totoo ayaw kong nakakakita ng mga babaeng sumasayaw na bra at panty na lang ang suot. Marami naman sanang matitinong trabaho silang makuha kahit na undergraduate sila. Nasa sipag at tiyaga lang yun sa paghahanap.

"Are you really straight?" Nakataas kilay na tanong ni Heaven.

I chuckled "Hindi ako ruler! Pwedi ba tigilan mo na ako." Tumayo ako para makaalis na sa maingay at mausok na lugar na ito pero kasabay nang pagtayo ko ay ang paghawak din niya ng kamay ko kaya napa-upo ulit ako.

"Not so fast." He smirk. Tumingin siya sa akin. Tingin na nakakatunaw. Bigla naman akong kinabahan dahil biglang nagseryoso ang mukha nito.

Fuck! Nagalit ko yata siya. Tatayo sana ulit ako kaso nagsalita siya ulit.

"Isang tayo mo pa, uuwi kang lumpo sa inyo." May awtoridad na sa boses nito.

What the shit I did to this man? Bakit ganito na lang kung kontrolin niya ako?! At bakit sunod-sunuran naman ako sa lalaking 'to?

"Tandaan mo isa ang pamilya ko sa malalaking investor ng company niyo. Kung ayaw mong madamay pamilya mo at ang negosyong pinaghirapan nila you better listen to me or else..." He smirked again. Sa tono palang nang pananalita niya mukhang seryoso nga siya.

Oo mayaman kami pero mas mayaman 'tong kaharap ko. At oo natatakot ako. Natatakot ako na ako pa ang magiging dahilan nang pagbagsak ng kompanya nila papa.

"A couple of months? Hindi ba pweding one week na lang?" Pakiusap ko sa kanya.

"A couple of years!" Sabi niya sabay inom sa alak na hawak niya.

I sigh!

"A couple of months na lang!" Pagalit na sabi ko.

Shit! Wala na yata akong kawala sa lalaking 'to.

Bigla na naman akong tinitigan ni Heaven at ngumisi siya. Ngising demonyo na naman bago nagsalita.

"Bukas, mag handa ka..."

-----

Sa mga nagbabasa ng OCLS siguro may nakuha kayong hint kung sino makakatuluyan ni Rhett. :D

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon