Fifteen

8.8K 293 47
                                    

Lucas P.O.V

"I love you."

Ang malambing niyang sabi. Tiningnan ko lang siya na naniningkit ang aking mga mata. Kasalukuyan kaming nakahiga. Ang aking ulo ay nakaunan sa kanyang braso.

Ngumiti siya sa akin. Alam niyang may hinihintay pa ako sa sasabihin niya.

"I love you, Mahal ko." Sabay pingot sa aking ilong.

Napangiti ako at napayakap sa kanya.

"I loveyou too.. Mahal ko."

Nakakatawang isipin na ang isang lalaking katulad ko. Isang lalaking may matikas na pangangatawan. May mukhang maipagmamayabang. Lalaking-lalaki ang dating ay umiibig din sa lalaki.

Oo, mali sa paningin ng iba. Oo, nakakadiri para sa kanila. Oo, hindi tanggap ng lipunan ang ganitong klaseng relasyon.

Pero puso ko ang tumitibok, ang nagmamahal at hindi ang aking mga mata. I'm happy to be me. Masaya ako. Masaya ako kay Gabriel. Mahal na mahal namin yung isa't isa.

Naniniwala pa rin ako na kahit ganito ako. Na kahit ganito kami. Mahal pa rin kami ng Diyos.

Gwapo nga, gwapo rin naman ang gusto.

Sayang! Ang gwapo pa naman nila.

Iba na talaga ang kabataan ngayon. Kahit bawal at mali ginagawa.

Tinatawanan lang namin ni Gabby sa 'twing nakakarinig kami ng iba't ibang komento galing sa iba't ibang tao. Naiintindihan naman namin na may kanya-kanya tayong paniniwala.

If our love is blind, let it be. Love isn't perfect, it's about how you can accept the imperfections. Kung kabulagan o kahibangan man ito sa iba, true love naman ito para sa amin ni Gabby. Ang puso ang dapat pakinggan at hindi ang bibig ng iba.

"Mahal ko, kailan natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa relasyon natin?"

Napatingin ako sa kanya. Ang mukha niya ay naging seryoso. Nagbuntong hininga ako bago ngumiti sa napakagwapo kong boyfriend.

"Mahal ko, alam mo naman na hindi pa alam ng mga magulang ko na ganito ako. Na ganito tayo. Alam mong matalik na magkaibigan ang mga magulang natin. At matalik na magkaibigan lang din ang alam nila tungkol sa atin. Isa pa, natatakot din ako na malaman nila ang totoo. Natatakot ako na baka paghiwalayin nila tayo."

"Sshhh.. No family. No person. No distance. No obstacle will stop us. I love you mahal ko. I will and always love you. Kaya pangako ko sa 'yo walang kahit na sino man ang makakapaghiwalay sa atin." Ginulo niya ang buhok ko saka hinalikan ako sa ulo.

"Ilang araw na kitang napapansin na lagi mong ginugulo 'tong buhok ko." Ang naka pout kong sabi.

"Napansin mo rin pala. Kay Heaven King ko yan nakuha. Ang hilig niya kasing manggulo ng buhok. Pati nga buhok ni Niexy ginugulo niya. Naaalala niya raw kasi yung bunso-bunsuan nila ng Kuya Jeroe mo sa t'wing nanggugulo siya ng buhok."

Si Heaven King ang isa sa kambal na kapatid ni Gabriel. Siya rin yung pinakapasaway sa kanila. And I think may relasyon sila ng kapatid ko na si Niexy. Bago ko lang din nalaman na siya pala yung isa sa mga batang kaibigan ni kuya sa hospital.

Napansin ni Gabriel ang biglang pagtahimik ko. Ginulo niya ulit ang buhok ko.

"Naaalala mo na naman ba yung kuya mo?"

"Nawala siya ng hindi man lang niya nakita si Heaven King at yung isang batang lalaki. Bakit kasi bigla na lang kayong umalis. Walang ibang bukambibig noon si kuya kundi yung mga kaibigan niya.."

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon