"Baby..." Napalunok pa siya at halatang pinipigilan niya ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Shit..! Halos mabaliw ako sa kahahanap sa 'yo. Nandito ka lang pala. Nasasaktan at nahihirapan. Sana ako na lang ang nakahiga dyan. Sana ako na lang ang may sakit!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya na kanina niya pa pinipigilan. Pinunasan ko naman yun gamit ang aking mga daliri.

"Lahat kayo gustong angkinin ang sakit ko. Hindi na ako natutuwa. Akin lang ang sakit na ito." Pagbibiro ko sa kanya. "King, pwedi bang ipasyal mo ako." Tumitig ako sa kanyang mga mata. "Pwedi bang mag date tayo?" Nakita ko na parang nabigla siya sa aking sinabi.

"Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sa 'yo ang mga salitang yan. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong itakas ka dito. Pero hindi pwedi. Maliban sa nanghihina ka hindi rin alam nila Tito na nandito ako. Paano na lang kung hanapin ka nila. Baby, pilitin mong lumaban. Pilitin mong gumaling para lahat magawa na natin. Ang mamasyal sa kahit saan nating gusto. Kahit libutin pa natin ang buong mundo, hindi ako mapapagod basta kasama kita at hawak ko ang kamay mo. Kaya please, lumaban ka. Lumaban ka para sa amin. Lumaban ka para sa akin." Nag uunahan na sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Paano ko sasabihin sa kanya na parang hindi ko na kaya. Na nakakaramdam na talaga ako ng sobrang pagod.

"I-itakas mo ako." Ang halos pabulong ko nang sabi. Pati sa pagsasalita nahihirapan na rin ako.

God... please hayaan mo muna akong makasama siya. Makasama siya kahit ilang sandali lang. Kahit ilang oras lang bago niyo ako kunin.

Hinawakan ko siya sa kanyang mga kamay at nakikiusap na tumingin sa kanya.

"G–gusto kitang makasama. G–gusto kong pumunta kung saan tayo unang nagdate. Gusto k–kong sumakay ng ferres wheel. Kinh... Gustong-gusto kitang makasama."

Pinunasan niya ang luha sa 'king mga mata at pilit na ngumiti sa akin. Hinalikan niya ako sa noo bago siya nagsalita.

"Alas dose na ng gabi at isang oras bago natin marating ang bayan na 'yun. Pero kung yan talaga ang gusto ng baby ko, sino ako para tumanggi? Gusto kong makita kang masaya. Mahal na mahal kita." Napapikit ako dahil sa huling sinabi niya. Dinamdam ko ang bawat pagbigkas niya ng mga salitang 'yun. Mahal din kita. Iminulat ko ang aking mga mata at nakangiting tumingin sa kanya. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ako na mismo ang kusang humalik sa kanyang mapupula at malambot na mga labi. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

*****

"Nandito na tayo."

Ang nakangiti niyang bungad sa akin. Nakatulog ako sa byahe kaya hindi ko napansin na nakarating na pala kami.

"Kanina pa ba tayo nandito?"

"Bago lang pero nakausap ko na yung operator ng ferres wheel. Kaya pwedi na tayong sumakay." Ang masaya niyang sabi.

"Talaga? Ala una na ng gabi. Mabuti naman may gising pa."

"Ginising ko sila. Malaki ang ibinayad ko kaya napapayag ko naman." Lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang mukha ko. " Sobrang saya ko ngayon. Ngayon lang tayo nagkasama ng matagal na parang okay ang lahat. Kahit tulog ka kanina sa byahe hindi pa rin mawala yung ngiti ko kasi nasa tabi kita. Kasi nakikita kita." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumitig sa 'king mga mata. "Pwedi bang humiling.. Pwedi bang.." Napalunok pa siya. May luha na namang namumuo sa kanyang mga mata.

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon