"Yes?" nakaangat ang isang kilay na sabi ko rito. 

"Ikaw si Kenna, right?" tanong niya.

"Yes." I nodded, my forehead creasing. "Do I know you?"

 Mabilis itong bumitaw sa braso ko. Pinanuod ko siyang dumukot sa kanyang bulsa. Nanatiling nakakunot ang noo ko nang ilahad niya ang kamay. I immediately spotted my car key.

"Pinapabigay ni Saint. Your car's all fixed. I parked it at the same parking space you left it." Mmedyo gulat na kinuha ko ang susi mula sa kanya. 

He parked it? Siya? Then I remember Saint calling someone to get my car. He even mentioned a name... Ano ulit ang pangalan niya?

"Oh, you must be AJ?" Ngumisi ako at bahagyang iniling ang ulo habang interesadong pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Forget handsome, this guy is way more than that. Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya at matamis na ngumiti. "Magkano?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at nasamid. Unti-unting namula ang buong mukha niya. Pati tenga at leeg niya nga ay namula rin. Kumunot ang noo ko at nang maisip kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya ay bigla akong napatawa.

"Oh, I'm sorry," I said, still giggling. "I meant the car repair. How much is it?"

The redness of his face faded a little. He still looked embarrassed. He cleared his throat and shook his head. "It's already been paid by Saint."

"What? Bakit? It's my car, ako dapat ang magbayad."

"The ass insisted. You really don't need to," sabi niya at ngumiti.

"Pero dinala mo pa sa akin. Nakakahiya naman sa'yo. Maybe I can treat you lunch? Break ko naman ngayon," pag-aya ko rito.

"And get punched?" His face briefly distorted like he imagined it happening. He stared at me and chuckled. "Thanks, but I'd have to decline."

"Huh?" Nalukot ang mukha ko.

He shook his head. A small smirk curved on his lips. "Bye, Kenna." 

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na umangal. Tinalikuran na agad ako nito at mabilis na nakaalis. I have no idea how he managed to get away so quick and smoothly. Hindi nito kinailangan tumakbo para makalayo agad sa akin. 

At kung sakali, hindi rin naman ako makakaangal. My mind got stuck at his answer. I didn't get it at all. Get punched? Paano? Sino? At bakit naman? 

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog na ang tyan kong nagrereklamo. I'm always hungry, but my grumbling stomach made it official. Ipinagkibit balikat ko na lang ang nangyari kanina. 

Sa pinakamalapit na mall ko naisipan pumunta para hindi sayang sa oras. Nang matapos kumain ay naglibot-libot na muna ako para magpalipas ng oras. Habang naglalakad ay may nakita akong cupcakes. I'm not into sweets but they looked really good. 

I love buying pretty things. Sa tuwing may boyfriend ako ay sa kanila ko lagi binibigay ang kung anong magustuhan na bilhin. Minsan, kay Nina or Oli. 

Kanino ko naman pwede ibigay ang isang box ng cupcakes? Nina doesn't like cupcakes that much. Si Oli naman ay paniguradong mag-iinarte. Sasabihin na iniingatan niya ang figure niya. I stared at the display for a long time until Saint's face slipped in my mind.

I can give him the cupcakes. It'll be like a thank you gift for the car. But how am I supposed to find him in the campus though? Nasa campus naman kaya siya? I can ask for Oli's help. Tutal ay mukhang kilala naman niya si Saint. Napangiting tagumpay ako sa naisip. 

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon