Chapter Four

84.6K 2.4K 237
                                    

It's dark and raining hard outside. Another combination that I'm very afraid of. Tuwing gabi kasi ay mas malakas ang pagkulog.

Thank God for the umbrella that I've received earlier. Wala kasing tigil ang ulan. Kung hinintay ko na tumila iyon ay baka hanggang ngayon nasa campus pa rin ako.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at makapagbihis ng pantulog ay nag ring ang phone ko. It's either Oli or Nina, kaya sinagot ko agad iyon pagkaupo sa kama.

It was Nina.

"Hey, Nins," bati ko.

"Thank God you're still alive! Nasa bahay ka na ba?"

"Oo naman. Bakit?" natatawang sagot ko.

She breathed out, as if relieved to hear my answer. "Kakabalik ko lang from Bulacan. Sinabi sa akin na kaninang hapon pa raw pala umuulan. Naisip agad kita kasi alam kong lagi kang walang dalang payong."

"Naks. Ang sweet mo naman, Mommy Nins," nakangiti kong sagot. Umayos ako ng higa sa kama.

"Whatever." alam ko na umirap ito kaya napatawa ulit ako. "Kumain ka na ba ng dinner?"

"Yes po. Kasabay ko si Shadow."

Kung si Oli ay kunsintidor na kaibigan, si Nina naman ay isang mother hen. Palagi kasi itong nag-aalala sa akin. Well, Oli is concerned about my well-being too, but Nina's stricter.

"Good," she replied.

Napangiti ako. "Sige na, I know you're tired. Kagagaling mo lang sa byahe. Thanks, Nins."

"Alright, bye," paalam nito at agad kong pinatay ang tawag.

Shadow's already in his bed at nakapikit na. Tumayo muna ako para patayin ang daylight. I just turned on the lampshade before going back to bed.

Kakapikit ko pa lang nang mangyari ang kinakakatakutan ko ngayong gabi. Biglang kumulog nang malakas.

I held my breath. Every muscle in my body froze at the frightening sound. My heart was now racing inside my chest.

Sinundan pa iyon ng isa pang malakas na kulog at napasinghap na ako. Hindi ko makuhang kumilos sa kama. Mahigpit na ang hawak ko sa bedsheet at natatakot na pakawalan iyon.

Naramdaman ko ang pag talon ni Shadow sa ibabaw ng kama. Humakbang ito mula sa likod para makapuwesto sa harapan ko. He whimpered and snuggled beside my chest.

This is another reason why I love Shadow. Palagi siyang tumatabi sa akin tuwing kumukulog. Hindi ko alam kung dahil alam niyang takot ako o takot rin siya tulad ko.

Marahan na ipinatong ko ang braso kay Shadow at tsaka lang nakahinga nang maluwag. "Thanks, boy."

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakahiga sa tabi ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog ng mahimbing.

The sky was clear when I woke up the next morning. I walked Shadow first before changing into my workout clothes. Inayos ko ang schedule na walang pasok tuwing Wednesday dahil ganitong araw ako pumupunta ng gym.

Like always, I dropped Shadow at the daycare before heading straight to the gym nearby.

Inaayos ko ang gym bag sa locker room nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng bag at sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Oli.

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon