Chapter Three

88.1K 2.4K 301
                                    

Nakauwang ang bibig ko habang nakatingin lamang sa kanya. Madilim nung unang beses na nakilala ko siya kaya hindi ko gaanong nakita ang kanyang mukha. Now... Now I can see him.

Wala ng face paint ang kalahati ng mukha niya. Ang mga mata niya naman ay may parehong kulay. Hindi ako nagmadali sa pagtitig sa bawat bahagi ng mukha niya.

His skin was a tug of war between fair and sun-kissed. His eyebrows were slightly thick, kagaya nung sa mga male models na nakikita ko. His eyes were the most beautiful color of brown that I've ever seen. He's got a well-shaped nose. His lips were slightly red, like it'd been recently sucked. His killer jaw completed the ridiculously good-looking package.

He's the very personification of the word gorgeous. A creature that came from a very blessed gene pool.

At mukha pa lang ang tinititigan ko nung lagay na iyon. He had a classy hairstyle going on. His hair was just subtly spiked on top that it looked effortlessly good.

Sunod kong napansin ay ang mataas niyang height dahil bahagyang nakatingala ang ulo ko at kapag hindi ko inangat ang tingin ay ka-level ko lang ang ibabaw ng dibdib niya.

My eyes next scanned his body and I almost groaned when I realized he doesn't have any flaw physically. He doesn't look like a man on steroids, but he wasn't lean either. He had the right physique to match his height and his handsome face.

Bumalik ang mga mata ko sa mukha niya at napansin na wala na ang ngisi sa labi niya at nakataas na ang kilay nito. Atomatikong namula ang buong mukha ko.

Oh, shit... Was I staring too much?

"Uh, t-thanks," I said when I finally recovered from ogling him. I took the handkerchief from his hand, ignoring the burn that I felt when my fingers grazed against his skin.

Nag-iwas ako ng tingin at halos manginig ang kamay habang pinupunasan ang mukha ko. It's my first time to be this affected over a guy. Iyong halos matunaw ako dahil lang nasa harapan ko siya.

I brushed the unnecessary thoughts away. Pinunasan ko ang braso ko. Habang ginagawa iyon ay napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin pero iba na naman ang emosyon na pinapakita niya sa mukha niya.

His lips were firmly straight. His jaw was ticking as his chocolate eyes turned darker while scanning my body. May galit na namuo sa mga mata niya at ibinalik ang tingin sa mukha ko.

Nang makitang nakatingin din ako sa kanya ay bigla siyang nagmukhang iritado. "Don't you have an umbrella?"

Napanguso ako. "I didn't know that it was going to rain."

Nagbuntong-hinga siya nang malalim at hindi na nagsalita. Pinanuod niya lang ako habang patuloy ako sa pagpunas sa mga nabasang parte ng katawan ko. He's still wearing that scowl on his face. His jaw looked rigid. He looked really annoyed. Hindi ko alam pero napangisi ako dahil doon.

"Thank you ulit." Mapang-asar na ngumiti ako at inabot ang panyo sa kanya.

Bumaba ang mga mata niya sa nakaangat kong kamay. Sumimangot siya habang tinitingnan iyon.

"Keep it," tipid na sagot nito. Inalis niya ang mga mata sa akin at tumingin sa gilid ko.

"Hindi na. Nakakahiya naman sa'yo," nang-iinis ang boses ko nang sabihin iyon. Kumunot ang noo niya at mariin akong tinitigan. Inalis ko ang ngisi sa mukha ko at pinilit na magmukhang inosente.

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon