Chapter Thirty-six

12.2K 210 48
                                    

-Kath-               

 

 

Silence.

                                                                                                                            

Family friend? Kelan pa ako naging family friend nyo, Padilla? Gusto kong isigaw yun sa harapan nya yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Sya ang tumanggi sa akin pwes sya ang mawawalan hindi ako.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang gusto nang lumabas sa mata ko. Naramdaman ko din ang paghawak ni Thea sa kamay ko.

“Y-yes, FAMILY FRIEND ko si DJ.” matapang na sabi ko at in-emphasize ko pa yung family friend at yung pangalan nya. Naramdaman kong nakatingin silang lahat sa akin pero nakatingin lang ako kay Xandra at hindi ko man lang tiningnan kung ano yung reaction ni DJ.

“Great! Uhm, Deej, I’m hungry na may food na ba kayo?” sabi nya sa KANYA at hinila ito papaalis sa amin.

Nung mawala na sila sa paningin ko ay bigla akong napasandal sa pinto at napakagat sa labi ko para pigilan ang paghikbi ko.

“Kath!” tarantang sabi nila Rein tapos yung mga lalaki dun nagmumurahan na.

“Shit! Anong ginagawa nya dito?! At anong ginagawa ni DJ?!” sabi ni Axel.

“Gago yun eh! Hanggang ngayon ba baliw na baliw pa din sya sa babaeng yun kahit sinaktan na sya?! Tapos hindi nya sinabi ang totoong relasyon nila ni Kath!” galit na sabi ni Ken na parang anytime susugurun nya na si-- hay.

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now