Chapter Eighteen

15.1K 264 40
                                    

Hindi ko alam kung kelan ang next ud. :)

Vote, comment and enjoy. Follow nyo ko sa twitter, nasa external link ^3^

*

-Kath-

 

 

November 4. Pasukan na ulit. Buti nalang may katulong na kami para hindi na haggard pag papasok na. Mag iisang linggo naman na kaming magkasama. As usual away dito away doon, mukhang stress na nga sa amin si manang dahil kakasaway. Para daw syang nag-aalaga ng sampung three years old na bata.

Hindi kami sabay pumasok. Like duh, wala naman nang ibang nakakaalam na kasal na kami ng eyebags na yun.

Gamit ko ngayon ang aking porsche baby. Malapit nang mag-seven pero wala pa din ako sa school. Lecheng eyebags yan, hindi man lang ako ginising. Kaya ayan unang pasok sa pangalawang sem pero nga-nga ako ngayon. Late!

Pag nakita ko talaga yung eyebags na yun, makakatikim sa akin yan ng suntok ni Jackie Chan.

Pagpasok ko ng gate ng school, sakto naman nag-bell kaya umagang-umaga napasabak ako sa marathon. At sheeeeeeeeeet lang dahil nasa fourth floor pa ang room namin. Mamatay na sana yung gumawa nang sobrang taas na school!

Pagdating ko sa room, buti nalang at wala pa yung teacher. Mukhang mas late pa kesa sa akin. Tiningnan ko si eyebags at ang laki ng ngisi nya kaya sinamaan ko lang sya ng tingin. Ngayon ko lang ulit na-realize na magkatabi pala kami.

“Uy sis, bakit late ka yata?” sabi sa akin ni Yumi. Tumabi muna sya sa akin sandali kasi wala pa yung teacher.

Sasagutin ko na sana sya kaso biglang dumating yung teacher namin at mukhang bad mood pa.

The Hater And I (Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora