Chapter Thirty-one

13.6K 201 19
                                    

Hello, I'm back! Sana may nagbabasa pa nito :)

Vote, comment and enjoy.

*

-Kath-

 

 

7 months later. September.

Pitong buwan na ang lumipas at college na kami! Yeah, yabang namin no? Kung gusto nyo akong kumustahin, eto maganda pa naman din ako. Chos. Tourism ang kinuha ko, gaya-gaya si eyebags. Ang kumag ay Tourism din. Oo kami na...

ang forever magka-away!

Hindi pa din naman yun nagbabago, babaero at pangit pa din.

“Oy Rein, Kath! Anong order nyo?” tanong ni Danna, isa sa mga close friends ko ngayon.

“Yung dati.” sabay naming sabi at umalis na sya.

Sila na pala ang mga bagong friends ko, si Danna and Rein. Classmates ko sila halos lahat ng subjects ko. Si Yumi at Thea? Ayun malay ko dun sa mga yun. Hahaha joke lang, si Yumi nasa Guam na ngayon kaya LDR sila ni Axel, oo sila na po mga kaibigan. Si Thea at Justin naman ay nasa ibang school.

“Oh my gosh, ayan na si Daniel my loves!” sigaw ng isang babae na nasa kabilang table namin at napatingin naman din ako sa pintuan ng cafeteria at ayun may dumadating na masamang hangin.

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now