Chapter Twelve

17.2K 267 18
                                    

Sorry kung natagalan. Tambak ang dedics kaya hintay-hintay lang.

Vote, comment and enjoy. :)

***

-Kath-

 

 

Okay, I have something creepy to tell you guys. Last night nung umuwi kami ni eyebags na mukhang basang sisiw kasi nga inabutan kami ng ulan sa manila bay at nasa malayong lugar nya pinark yung sasakyan. Yeah I know, he’s really stupid. October ngayon at malamang maulan. Pero hindi iyon ang something creepy na sasabihin ko. Di ba nga umuwi kami na mukhang ewan tapos pagdating namin sa hotel, tuwang-tuwa pa yung parents namin nung makita kami. Like duh! Sobrang saya sila to the point na pinatulog kami ni eyebags sa iisang kwarto!

Sabi nila ang sweet namin kasi tumakas pa daw talaga kami sa reception namin para lang daw magkaroon ng time sa isa’t-isa. Nakooo kung alam nyo lang kung gaano ko kagustong sumuka nung time na sinasabi nila yun.

Kung iniisip nyo na pumayag kami na matulog kami sa iisang kwarto, hell no! Aanhin pa namin ang yaman ni eyebags kung hindi namin susulitin di ba? Sa kanila naman tong hotel at madali namang matakot ang employees kaya nakakuha pa kami ng isang room. Ganun sya ka-hard headed.

Another creepy thing is... natulog ako sa isang hotel room.. sa may malambot na kama pero nagising nalang ako na nasa isang helicopter na ko kasama si eyebags!

Nung tingnan ko sya, mukhang bagong gising lang kaya mukhang mainit pa ang ulo.

“Saan tayo pupunta?” sigaw ko sa kanya pero hindi nya ko sinagot. Yah sabi ko nga bad mood sya o di nya ko narinig dahil sa ingay ng paligid?

Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa maglanding kami sa isang malaking bahay. Saktong pagkababa ko, kinuha ko yung gamit ko at hinanap yung phone ko. I need to call my mom!

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now