Chapter Four

19.5K 312 14
                                    

Hello! Eto pa din ang 'The Number One Hater Of Daniel Padilla'. Iniba ko lang yung title dahil sa sobrang haba!

Vote, comment and enjoy. :)

***

-Kath-

 

 

Maaga akong umalis kahit na wala akong pasok. Wala trip ko lang saka kailangan ko ding mag-isip ng mga bagay-bagay.

Kahit sinabi ko sa parents ko na pag-iisipan ko yung proposal nila sa akin eh payag naman na ako. May choice pa ba ako? Mahalaga sa amin yung company namin.

Saka hindi lang din naman kami yung madadamay kung malugi yun eh. Pati yung mga employees. Kaya ayoko naman na maging selfish.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa park. Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko at pinanuod yung mga tao sa paligid.

Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang sasakyan. Yellow porsche to be exact. Katulad nung kay Alice Cullen ng Twilight.

Nilapitan ko yung sasakyan. Kamukha kasi sya ng baby porsche ko. Kaso binenta ko kasi alam ko naman na delikado na yung company namin at kailangan ko ng savings kung sakali. Kahit na ayokong gawin yun, kailangan. Pero may isa pa kong sasakyan, yun yung gamit ko ngayon kaso luma na.

Napakunot yung noo ko ng makita ko yung plate number. Hindi ako pwedeng magkamali, eto nga yung kotse ko! Ayyy mali pala, hindi na pala akin to.

Tiningnan ko yung lalaking bumaba sa sasakyan. Nagulat ako kung sino. Nag-smirk sya sa akin.

Daniel..

 

 

-Daniel-

 

 

Pagkatapos kong malaman ang lahat. Tungkol sa Bernardo Corp. at kay Kathryn Bernardo, ang babaeng yun naman ang ipina-imbestiga ko. Buti nalang talaga ang bilis nilang makakuha ng informations kasi kilala naman ang pamilya nila.

So sya pala yun? Ang nakakairitang babae pala na yun ang papakasalan ko? WTF?!

But I think it will be interesting..

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now