Chapter Thirty

14.1K 207 19
                                    

Vote, comment and enjoy.

Ang mga dedic ay para sa mga masisipag mag-comment :)

*

-Kath-

 

 

February 13, advance independence day--este all souls day.

Ilang buwan na ang lumipas, biruin mo yun sa hinaba-haba man ng prusisyon, kami?

wala, nga-nga. Sa sobrang haba ng prusisyon, ayun di na namin tinuloy, putek haba eh.

“Anong balak nyo bukas?” tanong ni Yumi habang ginagaya nakapangalumbaba.

“Ano bang meron?” tanong ko.

Tiningnan naman nila ako ng masama. Palibhasa mga walang lovelife tong dalawa kaya lagi akong napagkaka-isahan, para namang may lovelife din ako no.

“Hmm, may DJ kasi yan kaya ganyan.” pang-aasar naman nila Thea. Nabatukan ko tuloy.

Alam naman nilang naiinis ako sa eyebags na yun na busy makipaglandian sa likod ng room. Ang landi talaga nya!

“Hoy kayong dalawa, tigilan nyo nga ako at baka di ako makapagtimpi at ipatapon ko kayo sa ilog pasig. I-partner nyo na ako sa iba wag lang dyan sa bwiset na eyebags na yan.” sabi ko at napatingin naman kay eyebags na nasa likod ng room. Nakatingin pala sya sa akin at nakangisi pa habang naka-akbay sa isang babae na hipon. Inirapan ko lang sya.

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now