Chapter Six

18.4K 292 17
                                    

3rd and last update! Baka nalagpasan nyo yung chapter four and five :))

Vote, comment and enjoy. :)

***

-Kath-

 

 

Pumasok na kami ng room and to my surprise, nandun si DJ the great eyebags! At nandun pa sya sa tabi ng upuan ko!

Hindi ko sya pinansin at umupo na ko sa upuan ko. Halos lahat ng mga babae sa room, kilig na kilig na akala mo konti nalang mangingisay na, tsk girls.

Si Yumi at Thea, busying-busy sa pagtitig dun sa dalawa nilang crush. Duh, kung lumipat si eyebags dito kailangan ba talaga kasunod lagi yung mga alipores nya?

Mukhang hindi matatahimik ang senior year ko nito. Nakakairita pa tong mga babae na to.

“Tsk, yung iba kilig na kilig sa pagdating namin. Ikaw, kulang nalang itapon mo kami palabas ng school na to.” sabi ni eyebags na nasa tabi ko.

Narinig ko na naman yung bulungan ng mga malalanding babae na nasa paligid.

“Siguro nga may crush yan kay DJ. Unang dating palang nila papansin na.”

 

 

“Oo nga tapos gumawa pa ng eksena sa cafeteria. Nasa loob talaga ang kulo.”

 

 

Tiningnan ko ng masama yung dalawang nag-uusap. Kung makapag-usap akala mo wala ako sa tabi nila.

“Hoy, akala mo kakalimutan ko lang basta yung ginawa mo kanina sa cafeteria? Hintay-hintay din Chandie.”

Napatingin tuloy ako sa kanya. He is smirking.

Ano ulit yung tinawag nya sa akin?! Chandie.. WTH?!

“Ano ang tinawag mo sa akin?!?” sigaw ko.

Napatingin sa akin lahat ng classmates ko at ang sasama pa.

Kath, ang tanga mo talaga kahit kelan!! Yumuko nalang ako saka umupo. Tiningnan ko ng masama si eyebags. Tumatawa lang ang loko. Epal talaga.

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now