Chapter One

41.9K 475 42
                                    

Hi!! Thank you kung babasahin mo man to. <3

Vote, comment and enjoy.



***



-Kathryn-

 

 

“Oh my gosh, Kath!!! Excited na akong makita ang Playboys mamaya!!!”

That is Thea Santos. Isang die hard fan ng Playboys. Ewan ko ba kung bakit sila nagkakaganyan eh parang ordinaryong tao lang naman ang mga yan eh.

Ewan ko din ba at kung bakit sikat na sikat sila sa mga babae na kulang nalang eh sambahin sila. Nakakainis!! Hindi naman sila gwapo at mukhang ang pangit din nang ugali! Sa pangalan pa lang halata mo nang masasama sila.

Ang bitter ko ba? Oo ako na kasi bitter!! Walang mangingielam!!

“So?”

“Anong so, so ka dyan!! Tigilan mo nga yang pagka-manhater mo dyan. Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend eh!” sabi naman na aking oh-so-epal na bestfriend na si Yumiko Montes or Yumi for short.

“Wow ha hiyang-hiya naman ako sayo. Eh ang tanong may boyfriend ka din ba?”

Makapang-asar kasi parang sya merong boyfriend.

“Hep tama na yan. Tara na nga kahit ano talagang sabi natin kay Kath never talaga nyang magugustuhan ang Playboys no” -Thea

The Hater And I (Published)Where stories live. Discover now