Napalunok ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"S—Sino ka?"

Tumawa ang lalaking nasa kabilang linya, "Ako ang Ama ni Stacey.. Alam mo naman siguro kung ano ang kaya kong gawin para sa anak ko.. Kaya heto lang ang hinihingi ko sa'yo.. Avygail. Sundin mo lang ang sasabihin ko sa'yo."

Mariin akong napakagat sa labi ko dahil sa kaba, galit at inis na nararamdaman ko, "Huwag mong sasaktan ang Papa ko."

"Easy ka lang." Natatawang sabi ng Papa ni Stacey.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Papa na tila nahihirapan. "H—Honey... P—Please be safe.. I—I love you so much."

Unti-unting nagbagsakan ang luha ko sa narinig ko,  "P—Papa..."

"H—Honey——" Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya dahil muling nagsalita ang Papa ni Stacey.

"Ngayon,  Avygail.. Alam mo naman siguro na nandito talaga ang Papa mo sa akin... Wala naman akong gagawin sa kanya kung susundin mo ang lahat ng sasabihin ko."

"Ano ba ang sasabihin mo?"

"Alam kong may namamagitan sa inyo ni Aivan. Alam ko iyon, dahil iyon ang naikwento sa akin ni Stacey.. Sa tuwing magkasama si Aivan at si Stacey ay laging tulala si Aivan na parang may malaking problema, wala siyang pakialam na ang anak ko ang kasama niya. 'Yun ay dahil sa'yo. Hindi mangyayari iyon kung hindi ka pa nakigulo sa pagmamahalan nilang dalawa."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan iyon, totoo kaya ang sinasabi niya?

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Mamaya... Pagbibigyan ni Stacey si Aivan na puntahan ka. Pero ang gusto kong gawin mo ay ipakita mo sa kanya na niloloko mo lang siya." Sabi pa niya na ikinatigil ko.

Napatingin ako sa lalaking kababa lang mula sa loob ng sasakyan. Hindi naman pamilyar sa akin kung sino iyon.

"May ipinadala akong lalaki diyan.... Ang gagawin mo ang magpapanggap kayong dalawa na mayroong namamagitan sa inyo. Gusto kong ipakita mo kay Aivan na hindi kayo nararapat para sa isa't-isa. Dahil si Aivan ay para lang sa anak ko."

Umiling ako ng paulit-ulit.

"Ayoko! Huwag mo ring sasaktan ang Papa ko kung hindi ay tatawag ako ng Pulis!"

Narinig ko ang pagtawa ng Papa ni Stacey mula sa kabilang linya. "Kumpare ko si General. Siya ang kapit ko sa mga pulis kaya walang maaaring gumalaw sa akin. Malaya kong gagawin ang lahat ng gusto ko."

Mariin akong napapikit dahil sa narinig.

"Kaya gawin mo na ang gusto ko. Ipakita mo kay Aivan na niloloko mo lang siya. Saktan mo, para tuluyan nang mahulog ang loob niya sa anak ko. Saktan mo. 'Yun ang dapat mong gawin dahil kung hindi.. 'Yun ang dapat  mong gawin dahil kung hindi ay papatayin ko ang englisero mong Ama!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil kinuha na ng lalaki ang cellphone niya.

"Papasukin mo na si Miguel. Siya ang magiging boyfriend mo mamaya." Sabi ng lalaki na may hawak ng cellphone.

Muntik pa akong mapamura.

Boyfriend?

"Huwag kang tatakas, Avygail. Babantayan ka namin." Sabi ng lalaking nakasuot ng puting damit sabay tutok ng baril sa akin.

Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Huwag niyo po akong patayin."

"Papasukin mo si Miguel."

Mabilis kong sinunod ang iniutos niya. Pinapasok ko si Miguel sa bahay at nagulat pa si Liz nang makita niya ang lalaki.

"Oh.. Sino ka? Kaibigan ka ba ni Avy?" Tanong ni Liz kay Miguel.

Magsasalita na sana ako ng akbayan ako ni Miguel. "Girlfriend ko."

Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Liz, "What the hell, Avygail? Kaka-break niyo lang ni Aivan, ah? Hindi ko nga alam kung formal break-up dahil hindi pa kayo nag-uusap tapos heto?"

Napa-iling-iling ako habang nakahawak sa ulo ko, "Liz... Saka ko nalang ipapaliwanag ang lahat sa iyo.. Ayokong madamay ka dito."

Matapos kumain ni Liz ay saglit siyang nagpahinga at pagkatapos ay nagpaalam na rin. Hindi ko na siya tinutulan pa dahil ayoko naman siyang madamay sa problema ko.

Kaya heto at kaming dalawa na lang ni Miguel ang nasa bahay. Katunayan ay may itsura naman siya. 'Yun nga lang ay kapag kung ikukumpara ko siya kay Aivan ay lamang talaga si Aivan ng maraming beses.

Nalaman ko na binayaran lang pala si Miguel ng malaking halaga para siya ang pumapel sa kalokohan ng Ama ni Stacey.

"Sundin mo na lang ang sinasabi ni Sir Antonio, Avygail... Kilala ko siya, at lahat ng gusto niya ay gusto rin niyang masunod. Walang pinipiling lugar ang taong iyon. Ang lahat ng mali ay tama naman para sa kanya." Pagpapaliwanag sa akin ni Antonio.

Hindi ko na naman namalayang nagsisimula na palang tumulo ang luha ko kaya mariin ko iyong pinunasan.

"A—Antonio... 'Wag mo akong sasaktan."

Ngumiti naman siya, "Hindi naman, kung maaari nga lang ay ayoko kitang hawakan dahil alam kong may magagalit. Pero sumusunod lang ako kay Sir Antonio. Bayad niya ako sa trabaho kong ito. Huwag kang mag-alala. Wala naman tayong gagawing kakaiba sa oras na pumunta si Aivan dito."

Kinuha ko ang cellphone ko sa may lamesa nang tumunog iyon.

Unknown number.

SWEETHEART, PUPUNTA AKO NGAYON SA INYO. OTW NA AKO. NAKITEXT LANG AKO DAHIL WALA AKONG LOAD. #WAIT4ME #EXPLANATION

Hindi na ako nagreply nang mabasa ko ang text niya sa akin.

Basta ang mahalaga ay malinaw na sa akin ang lahat. Hindi naman talaga mahal ni Aivan si Stacey. Pinatunayan iyon ng Papa ni Stacey dahil sabi niya sa akin kanina ay kapag magkasama si Aivan at Stacey ay laging wala sa sarili si Aivan, napapatulala at wala kay Stacey ang atensyon.

Kaya pala...

Kaya pala nang sabihin sa akin ni Aivan na ikakasal na siya kay Stacey ay parang labag pa iyon sa loob niya. Iyon ay dahil hindi naman talaga niya mahal si Stacey.

Isa na lang ang nagpapagulo sa isipan ko ngayon.

Kailangan kong malaman kung anak ba talaga ni Aivan ang ipinagbubuntis ni Stacey.

"Papunta na pala si Aivan... Tara, mag-ready na tayo."Sabi ni Antonio sa akin nang mabasa niya ang text ni Aivan sa akin.

Para bang ayokong sumunod sa gusto niyang gawin pero alam kong sa oras na hindi ko sinunod ang iniuutos sa akin ng Papa ni Stacey ay si Papa naman ang malalagay sa alanganin.

Pumunta kaming dalawa ni Antonio sa loob ng kwarto ko. Nakita ko pa ang paghubad niya ng damit niya at ang tanging itinira na lamang niya ay ang underwear niya.

Tinignan niya ako, "Sige na, maghubad ka na."

Nanatili lang ako sa posisyon ko. Iniisip ko kung lalaban ba ako, pero ano na lang ang laban ko sa lalaking ito? May baril pa siyang dala at inilagay niya iyon sa may gilid ng upuan na malapit sa kanya.

"P—Pwede bang.... Pwede bang ganito na lang?"

Napahinga naman siya ng malalim, "Sige... Pagdating niya, galingan mo ang pag-arte para malaki ang bonus ko kay Sir Antonio."

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Aivan sa labas ng kwarto. Hindi ko kasi nilock ang gate at pintuan para siguradong makakapasok siya dito.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko. Gusto kong ipaalam sa kanya para sabay naming masolusyunan pero paano? Anong laban namin sa taong may baril?

"Andyan na siya!" Sabi sa akin ni Antonio.

Mabilis siyang lumapit sa akin at agad na dumikit ang labi niya sa labi ko. Mariin akong napapikit habang pinipigilan ang nagbabadyang paglabas ng mga luha.

Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko si Aivan na umiiyak habang nakatitig sa aming dalawa.

Prince Of The Womanizers (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora