Chapter 29.2

481 11 4
                                    

BRENT's POV

HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!...

nakita kong bumaba ng sasakyan ni mark si bestfriend jenna at si mimi.

ang dalawang babae na kinuha ni mark sa akin. pero look, masaya naman si jenna di ba??

sinalubong si jenna ng daddy niya. alam niyo ba kung bakit siya nandito

flashback

maaga akong nagising ng umaga na iyon. sinilip ko si mimi sa kwarto niya at good thing ay tulog pa sila ni bettina.

"ma,aalis lang ako pupuntahan ko lang ang daddy ng future girlfriend ko."

"sige anak ingat!" sigaw naman ni mama.

"narinig mo yun, girlfriend daw?! akala ko ba sila ni mimi?! sayang boto pa naman ako sa kanila." sabi ni mama kay papa. hay naku M.U na naman... mis understanding...wahahahaha

"hayaan mo na mahal. basta masaya ang anak natin." sabi naman ni papa.

agad akong pumunta sa kumpanya ng daddy niya.

WEW!!!

kakalula. ang yaman talaga nila!!..

di hamak na buhangin at dumi lang ako sa buhay niya. pero gagawin ko ang lahat para maging karapatdapat sa kanyang anak.

"Mr. Montereal. ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" bungad kaagad sa akin ng daddy niya.

WOOO!!!...

pinagpapawisan ang kamay ko. yung puso ko gusto nang lumabas sa dibdib ko. KINAKABAHAN AKO!!!....

"S-sir, hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. n-nandito po ako para sa anak ninyo."

"si miranda? bakit??"

"M-mahal k-ko p-po s-si...si mimi." pikit mata kong sinabi sa kanya. as in literal na pikit mata.

"wala ka pang napapatunayan iho. wala kang maipapakain sa anak ko."

"sir, ipinapangako ko po na magsisikap akong mabuti para maging karapatdapat sa kanya. siya po ang buhay ko. siya ang babaeng nakikita kong aantayin ko sa dulo ng altar. ang babaaeng kasama ko hanggang sa pagtanda ko. at kung kinakailangang panghabambuhay kong patunayan sa inyo ang sarili ko ay gagawin ko. gagawin ko po ang lahat para hindi siya masaktan. mahal ko po siya. a-at n-n-narito po ako p-para hingin ang kamay niya p-para pakasalan kapag p-pareho na po k-kaming h-handa."

kinakabahan ako pero nakatingin ako sa mga mata niya at hindi kumukurap.

"alam mo bang nawawala ang anak ko?" nakangiting sabi nito sa akin.

"i-im s-sorry sir, p-pero n-nasa ba-bahay po siya."

LORD !!!!! diyoskupu!!! tatawag  na ako ng mga santo!!

"hahahaha...i know iho. at alam ko na inaalagaan mo siyang mabuti."

eto na patay...

ha ano daw?! alam niya?!

alam ni daddy?!

kapal muks...

"sige, pumapayag na ako." sabi nito.

"P-P-PAYAG?!... AS IN?? O-OK NA PO??!!"

tumango siya

"YAHOOOO!!!!!!" at napatalon pa ako sa loob ng opisina niya.

"s-sir, pwede po ba kayong pumunta sa bahay namin. b-balak ko pong formally ligawan siya."

"sure iho. tutal miss na miss ko na rin ang unica ija ko."

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon