FAIRYTALE I - How We Met

471 67 33
                                    

How We Met

Nandito ko sa rooftop ng school. Ito ang nagsisilbing tambayan ko tuwing vacant ko. At dahil dalawang oras pa bago ang susunod kong klase ay dumito muna ako. It's not as if it's new to me. Para ko na nga 'tong pag-aari since tuwing may makakakita sa akin dito ay umaalis agad sila.

Umupo ako sa swing dito at nilabas ang unan kong maliit na palaging nasa bag ko. Iidlip nalang muna ako.

Hindi pa ako gaanong nakakatulog ng mahimbing ng biglang may sumusundot sa pisngi ko. Sino ba ang taong ito.

"Im Irwine Dela Rosa, do you mind if I sit with you?" Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Mukha namang harmless ang lalaking ito kaya tinanguan ko lang siya.

"Ikaw? Won't you introduce yourself to me? You're unfair. You know me already pero ako first name mo lang ang alam ko."

"First name? So you mean to say kilala mo nga ako?"

"Well, you're Emma. That's all I know since yon lang ang naririnig ko sa mga classmates mo." 'mo' ibig sabihin ay hindi ko siya classmate. OH MY GOSH! Dont tell me siya ay isang creepy stalker?! Wala sa itsura niya ha!

"Hey! Im not a creepy stalker! Grabe ka ha, im just here to be friends with you. Lalo na at parehas tayong laging nag-iisa. At since favorite spot mo din itong spot ko ay dapat talagang maging friends tayo." Mahabang litanya nito.

"Call me Emma, but my real name is Jaelyn Emma Versoza. Proud antisocial slash nerdy bookworm." Ngayon lang ako nakipag-usap ng ganito sa kahit na sino bukod sa mga kapatid ko. Hindi naman kasi ako yong tipo ng babaeng ubod ng daldal. Im more of the silent nerdy weirdo. Siguro dahil magaan ang pakiramdam ko sa lalaking ito dahil magkakasundo kami.

"Call me Irwing if you want."

"Irwing sounds funny and it's too long. Most preferably, I'll just call you Win. Short for Irwine."

"Friends?" Nilahad naman bigla nito ang kamay at para bang inaantay niyang kamayan ko siya. Pero dahil sa first friend ko sya ay hindi ko napigilang yakapin sya, dahilan para magulat siya at di natinag sa posisyong kinalalagyan.

"Ah–eh. Sorry. Hehe." Sabi ko dito sabay kalas sa yakap na iyon. Feeling ko tuloy ang awkward.

"So, since friends na tayo, we get to know each other right?" Tumango tango lang ako bilang sagot.

"At syempre ladies first."

"Uhm, ako? May pagkanerd na antisocial. Weirdo daw ako. Ikaw ang first friend ko at hindi ako madaldal na ganito, madaldal lang ako kapag mga kapatid ko na ang kaharap ko. Pangalawa sa magkakapatid at nag-iisang babae. Hindi kami ganoong kayaman pero kaya naman na. Madalas akong napepressure sa mga nakapaligid sakin, dahil lagi nilang ineexpect na tatanga tanga man ako sa mga bagay bagay, when it comes to the academics, hinding hindi nila 'ko mapapantayan."

"Ako naman. Ako? Isang anak lang ako. Like you, hindi kami ganoon kayaman. Or well I dont consider myself, maybe just my parents. Anyway, silent and innocent. Yon ang bansag ng kahit na sino sa akin, like you nasasabihan din akong tatanga tanga."

"May pagkakaparehas pala tayo eh! Kaya siguro magaan ang pakiramdam ko sa'yo." Napatawa naman kaming parehas dahil sa sinabi ko.

Ang dami naming napag-usapan pa, at kahit ata ilang oras palang kaming magkausap ay parang kilalang kilala na namin ang isa't isa. Napag-alaman kong kaklase ko siya sa isang subject ko kung saan isa akong irregular student. Which is in Communication Arts II. Inadvance ko kasi ito at hindi ko naman alam na isa pala siya sa mga kaklase ko doon.

Nang dumating ang oras ng uwian ko ay hindi ko na siya nakausap. Pero nakuha naman namin ang number ng isa't isa kaya sabi niya'y magtext nalang kami sa isa't isa.

To: Win Dela Rosa
Wiiin, pauwi na ko. Goodluck sa natitirang klase nyahaha!

Nakangiti akong umuwi sa bahay, pero agad ding napawi iyon ng makita ko si kuya na matamang nakatingin saakin.

"Ngiting ngiti ka ata Lyn ah? Siguro may nakilala ka na sa school nyo no?" Bumusangot naman ako dahil sa sinabi niya. Tsk. Kahit kailan talaga itong si kuya, binubuyo ako sa ibang lalaki para daw magbago naman ako kahit papaano.

"Kuya naman, kaibigan ko lang ang nakilala ko ngayon sa school. Natutuwa lang ako na may lalaki palang tulad ko." Umiiling na lumapit si kuya sakin at niyakap ako.

"Basta tandaan mo laging andito si kuya ha. Wala pa mang dumating sa buhay mo na magmamahal sayo, andito naman kami ni Clark para iparamdam sayong prinsesa ka."

"Kuya naman! Ang drama mo ha, baka mamaya nyan maiyak na ko!" Nagbibirong sabi ko kay kuya. Iginaya naman ako ni kuya sa loob ng bahay at hinayaang makaakyat sa kwarto ko para magpalit.

Hindi ko naman kasi nakikita ang sarili ko bilang isang girlfriend kundi bilang isang asawa. Chaaar! Asawa agad Lyn? Ano ka globe? Go lang ng go?

Dumating na galing sa trabaho si papa ng saktong pagbaba ko naman galing sa kwarto, agad akong humalik sa pisngi niya at tinulungan si mama na magprepara para sa hapunan namin. Ito ang gusto ko sa pamilya namin. Hindi man kami mayaman sa pera, pagdating naman sa pag-aaruga sa isa't isa ay napakayaman namin.

Mabilis na dumaan ang araw. Para bang kahapon lang ng makilala ko si Irwine at ngayon nama'y hinihingi na nito ang permiso ko upang hayaan siyang manligaw sa akin. Actually, niyaya pa nga ako nito sa isang park para doon mag-usap.

"Jaelyn. May gusto sana akong sabihin sayo. Pero huwag ka sanang magagalit sakin."

"Ano ba kasi iyon Win, para ka namang hindi mapakaling ewan jan."

"Eh kasi. Ano."

"Eh kasi ano Win? Paulit ulit ka naman eh, masasakal na kita jan sige ka."

"Gustokitangligawan." Ni isa sa mga katagang sinabi nya ay wala akong naintindihan. Hindi lang dahil ang hina ng pagkakasabi niya rito, kung hindi dahil napakabilis ng pagkakasabi niya.

"What? Wala akong naintindihan Win! Ano ba kasi yon!"

Kumamot ito sa batok at yumuko. "Gusto kitang ligawan Jaelyn, kung pumapayag ka.."

Gulat man sa tanong niya ay sinagot ko pa rin siya. Hindi naman kasi maipagkakailang gusto ko na din siya, masyadong mabilis, oo. Pero anong magagawa ko? Eh sa iyon ang tinitibok ng puso ko.

"Oo pumapayag ako Win." Nakangiting saad ko sa kanya, at agad itong lumapit at binuhat ako habang paikot ikot siya at tumatawa.

"Win ano ba ibaba mo na ko, nakakahiya ang daming nakatingin."

"Masaya lang ako Jae, finally nasabi ko na din iyon at umoo ka." Niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang kasiyahan niya doon. Miski ako ay masaya, dahil ang akala ko mauuwi noon sa one sided love ay hindi pala.

Twisted Fairytale Where stories live. Discover now