KP 1

9.8K 396 29
                                    

Miguel's POV

"Sorry pero hindi kita type. Ang panget mo!!"

"Oh my god!! Please kuya estudyante palang po ako. Eto oh, kunin muna lahat ng pera ko huwag mo lang akong saktan at pagsamantalahan"

"Manyak"

"Baluga"

"Adik"

"Panget!"

"Panget!"

"Panget!"

"Pangeeeeett!!!"

"WAhhhhhhh!!!" Sigaw ko ng magising ako.

Parang isang sirang plaka itong paulit-ulit na bumabalik sa panaginip ko. Mga masasakit na salitang naririnig ko mula sa kanila.

Hingal na hingal akong bumangon at humarap sa salamin. Hindi ko na naman maiwasang malungkot dahil sa panget kong itsura. Hindi nga ako gwapo. Hindi ako pangarap ng lahat pero kahit panget ako dapat ba nilang husgahan ako? Oo average lang ang itsura ko,  oo maitim ako at walang dating. Hindi ako yung taong ipagmamalaki mo sa lahat pero masisisi niyo ba kung bakit ganito itsura ko? Kasalanan ko ba na maging ganito ako?

Siguro nga panget ako pero wala kayong karapatan na husgahan ako at ipamukha sa akin kung gaano kayo kabiyaya na nabigyan kayo ng magandang mukha.

Porke ba panget ka ay mukha kanang magnanakaw? Porke ba panget ka ay manyak kana, porke ba panget ka ay hindi gagawa ng maganda o kung anu-ano pa?

Ang dali para sa atin ang manghusga ng isang tao base lang sa kanilang pisikal na kaanyuan. Aminin mo man o hindi, makakita ka lang ng hindi gwapong tao o hindi mo gusto ay negative na agad ang papasok sa isip mo at pag-iisipan mo ng hindi maganda without knowing him/her. Nakakaawa ang mundong ito! Punong puno ng mga mapanghusgang tao.

Huminga na lang ako ng malalim at lumabas ng kwarto.

"Oh anak, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ang lungkot lungkot mo?" Ang tanong ni nanay sa akin.

"Wala lang ito Nay, hindi lang siguro ako nakatulog ng maayos" ang sabi ko dito.

"Ay nako celia hayaan mo na yang anak mo, nabasted lang siguro ng babaeng niligawan niya" ang tumatawang sabi ni tatay.

"Hay naku fernan. Lagi mo nalang inaasar yang anak mo" ang saway ni nanay kay tatay. "Oh siya, halina kayo rito at kakain na tayo" dagdag pa ni nanay.

Maliit lang ang bahay namin. Gawa lang ito sa kahoy. Meron itong dalawang kwarto. Kwarto nila nanay at tatay kasama nila doon ang bunso kong kapatid na babae na 4 na taon palang. Habang yung isa naman ay kwarto, mag-isa lang ako doon.

Ang palikuran namin ay makikita mo sa labas ng bahay at kelangan mo pang mag-igib ng tubig para lang may pangbuhos at pampaligo ka. Wala kase kaming gripo tanging poso lang ang ginagamit namin.

Ganito ang buhay namin sa probinsya. Hindi siya katulad sa maynila na sibilisado pero kahit ganoon ay masaya naman kami.

Masaya naming pinagsaluhan ang umagahan hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila para pumasok.

Isa akong 4th year high school student o grade 10 student sa isang pribadong paaralan dito sa probinsya ng quezon. Sa awa naman ng Diyos ay nakakuha ako ng full scholarship dahil na rin sa angkin kong talino. Pangarap ko din kasing makapagtapos sa isang sikat na pribadong paaralan sa lugar namin. Kaya nagsumikap akong makapasok doon. Mga trenta minutos ang nilalakad ko bago ako makarating sa eskwelahan. Ganito lage ang ginagawa ko tuwing umaga hanggang pag-uwi ko.

Si nanay ay isang labandera habang si tatay naman ay isang magsasaka, pero kahit ganoon lang ang trabaho nila ay hindi nila ipinaramdam sa akim na nahihirapan sila, na ayaw na nila. Medyo naawa na nga rin ako sa kanila dahil alam kong pagod na pagod na sila pagtatrabaho pero wala naman akong magawa, ayaw nilang pabayaan ang pag-aaral ko. Ayaw nilang hindi ako makapagtapos ng pag-aaral. Hay!

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon