"W-what if she.... Dang it! I can't let her go. I can't! I'll die if I'll lose her, grandma."

"Huminahon ka, apo. Hindi makakatulong ang pagwawala mo sa kalagayan niya."

I was walking back and forth outside the operating room. It's been six hours yet nobody gets out of that room.

Please... Please hold on, my love. I'm waiting for you. We haven't had our first date, right?

There's no way I'm gonna let her go. No way.

"Pumirmi ka naman kuya, oh. Nahihilo na ako sa'yo," Gold exclaimed irritably.

"How could I calm down when my girlfriend is fighting for her life right now? Huh! It's been six hours yet nobody gets out of that  room! Now, tell me how could I stay calm when I don't have a damn idea what's going on inside that room?! You don't understand me because you're not on my shoes!"

"Skeet! You don't have to cuss at your sister! For Pete's sake malaki na kayo! Hindi na kayo mga bata! Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon!"

"Mom, she-"

"Shut up, Skeet! Pinapalala mo lang ang sitwasyon."

"Pareho lang naman tayong nag-aalala kay ate Nisyel, kuya, eh. Kung iisipin kasalanan mo naman kung bakit nandito si ate! Pinabayaan mo kasi siya!"

"Gold, huwag kang ganyan sa kuya mo, ano ba?"

I was taken a back. She's right. It's all my fucking fault!

"I'm s-sorry, princess. I didn't mean to-"

"Naiintindihan naman kita, kuya. Pasensya na rin. Mahal ko rin si ate, kuya, at abot langit din ang pag-aalala ko sa kanya."

How could I forget? Everybody loves my Nisyel.

"Where's the family of Miss Borora?"

I can't explain what I was feeling when the operating room's door finally opened.

"How's my girlfriend?" I asked nervously.

But my heart beats fast when the  doctor moved his head disapprovingly.

"WHAT HAPPENED TO MY GIRLFRIEND? TELL ME!"

"Skeet!"

"We did everything we can but I'm sorry... Successful ang eye operation niya pero kumalat na talaga sa utak niya ang dugo. Life support na lang ang bumubuhay sa kanya. Hindi nagre-respond ang katawan niya sa-"

"STOP! I DON'T WANT TO HEAR IT ANYMORE! GET LOST!"

"Aaahhh! Shit!"

"Anak, tama na. Hindi pa humihilom ang sugat sa mga kamay mo huwag mo nang dagdagan pa."

I don't care about my wounds. My heart is wounded anyway.

"I don't believe him, Mom! My Nisyel is a strong woman and she won't leave me, right? She won't." My voice cracked.  Could there be any worse than this?

ANDREA'S POV

Ang anak ko!

Hindi maaari! Mabubuhay siya.

"H-hindi totoo 'yan! Anong klaseng mga doktor kayo?! Bakit hindi niyo magawang iligtas ang anak ko?"

"Tita Andrea..."

"Gold, anong klaseng mga doktor sila? Mga wala silang kwenta."

"Tita...."

"'Di ba malakas ang anak ko? Hindi siya puwedeng mawala. Hihingi pa ako ng tawad sa kanya. Sasabihin ko sa kanyang pumapayag na ako sa relasyon nila ng kuya mo. Hahanapin pa namin ang Papa niya, eh. Hahanapin pa namin, pero bakit?"

"Tita, tama na..."

Umiling-iling ako. Nanghihina ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Bakit gano'n ang tadhana?

Hindi niya ba hahayaang makasama ko ang anak ko?

Matagal na panahon kong pinagtiisan na hindi siya makasama.

Bibigyan ko pa siya ng kumpletong pamilya.

Bakit ba ang lupit ng pagkakataon?

Gano'n na ba ako kasama noon para parusahan niya ako ng ganito?

Pinagsisisihan ko naman ang lahat, ah. Pinagsisisihan at pinagbayaran ko na ang lahat ng nagawa ko.

"Hindi ako naniniwala sa mga doktor na 'yon, Gold. 'Di ba mabait na bata naman ang aking anak? Hindi siya pababayaan ng Diyos, di ba?"

Sobrang hina na ng pakiramdam ko at parang bibigay na ang katawan ko anumang oras. Hindi ko kakayaning mawala siya. Ano pang silbi ng buhay ko kung wala naman ang aking anak?

"Hindi siya puwedeng mawala. Hindi! Siya na lang meron ako! Siya na lang!"

Lalo akong nanghina ng puro iyak lang ang itinugon nila sa'kin.

Sumilip ako sa operating room kasunod ni Skeet ngunit para akong pinapatay nang paunti-unti sa aking nakikita.

Nakabenda ang kanyang buong ulo at mukha at maraming aparatus na nakakabit sa kanyang katawan.

"Love, please?" Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan si Skeet na umiiyak sa tabi ng aking anak. Para siyang gusgusing bata na nagwawala dahil iniwan ng ina.

"Do you want me to say sorry to your Mom? I'll do it right away. Just... Just don't leave me like this, Mee... I can't!"

"Do you want me to eat a lot of onions? I can bear its awful odor..."

"Do you want me to buy all your favorites?"

"Or do you want me to speak Tagalog? 'Di ba gusto mo 'yon, Love? 'Di ba palagi mong sinasabi 'yon sa'kin? 'Di ba ayaw mong nag-i-english ako? Ayan nagtatagalog na ako, Mee. Gumising ka na please?"

Kumawala ang malakas na hikbi sa aking bibig.

Bakit hindi ko agad nakita ang pagmamahal niya sa aking anak?

Kung hindi ba ako dumating sa kanilang buhay ay hindi humantong sa ganito ang anak ko?

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko.

Sana nakuntento na lang ako na tingnan mula sa malayo ang aking anak.

Sana hindi ko na lang ginambala ang kanilang relasyon.

Kung sana nanahimik na lang ako, hindi pa sana nasaktan ang anak ko.

Hindi sana siya naaksidente.

Hindi sana siya nag-aagaw buhay.

Maraming sana...

Pero hindi ko na maibabalik lahat.

Nagkamali ako.

Pero sana ako na lang ang pinarusahan at hindi ang anak ko. Masyado pa siyang bata at marami pa siyang dapat maranasan sa buhay.

SANA...

Sana ako na lang ang namamatay.

...

A/N: Adrianna Colleen Pelaez' story on the Wrath of His Revenge.

©GREATFAIRY

The Untouchable BeastOnde histórias criam vida. Descubra agora