Chapter 36.

4.8K 158 5
                                    


Bisita...

Bago umalis patungong falls ay sinabihan Niya Ang isang katulong ng Lola Niya na ipapatawag siya kapag dumating na Ang bisita nito at maghanda ng meryenda para dito.

"May bisita Lola mo? -arianne

"Yeah. At Ako Ang pina-asikaso Niya. Mamaya pa namang 2pm. -saad Niya

"So kame lang tatlo sa falls?

"Hindi naman kayo mawawala ah? Besides, restricted na ibang Tao dito sa hacienda Nina daddy. Walang ibang makaka pasok unless may pahintulot. Only for family.

"I mean di ka magtatagal?

"Hindi ko Alam Kung hanggang Anong oras Ang bisita, Baka nga yata isa sa mga Amiga ni Lola. Alam mo naman Kung paano magdaldalan Ang mga Amiga Niya na taga mercado.

"Malulungkot si Bernard niyan. -sabat ni Brett

"Ayan kana naman dude. -Bernard

"After nun babalik din naman agad kame ni mayumi.

Sumakay na siya Kay mayumi habang si arianne, Brett at Bernard ay sa sasakyan sumakay. Ihahatid Niya muna sa falls Ang tatlo pagkatapos ay maglilibot na muna siya sa buong hacienda Bago pa man dumating Ang bisita.

"Grabe, Hindi nakakasawang balik balikan itong lugar na to. -wika ni Bernard ng marating Nila Ang falls

"Kasi type mo Ang apo ng may-ari. Sus! Kunyari kapa. Kilala ko na Ang bawat pasikot sikot ng bituka mo dude. -Brett

"Hanggang Mamaya, mawawalan ka na ng bituka saken Brett. -saad naman Niya

"Ang Kj mo talaga. Di na mabiro teh? -Brett

"Mag biro ka lang, sure! Basta ba't Wala kang kakainin sa isang linggo niyo dito. -banya Niya

"Ang hard mo naman. Hindi na mauulit, peksman! Tsk!

"Takot ka naman palang magutom eh. -ngisi niyang wika

"Tama na nga kayong dalawa. Tulungan niyo na lang kame ni Bernard sa pagbaba ng mga pagkain natin sa sasakyan. -arianne

"Brett! I-assemble mo yung Mesa at bangko dun malapit sa may mangga. -mando Niya

"Lagi talaga akong kawawa sayo Celestine. -nguso ni Brett

"Nagrereklamo kaba Brett?

"Hindi ah! Nagsasabi lang naman Ako. Magkaiba iyon!

"Mabuti ng klaro tsaka Kulang pa iyan eh, lagi kasing Ako Ang pinagtri-tripan mo tapos puro pa below the belt. Taste your own dose of medicine.

"Pikon ka Kasi Kaya Ang Sarap Mong pagtripan, daig mo pa Ang matandang dalaga sa ubod ng sungit. -Brett

"One more Brett, one more. -banta Niya

Dinig niyang nagtawanan sina arianne at Bernard sa tinuran nila ni Brett.

"Joke lang!

Loving the Barumbad-ass (Completed) 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon