Hit 27 ~Precious One

Start from the beginning
                                    

Nagkunwari si Mia na natutulog.

Kumuha lang naman si Yano ng pamalit na damit.

Palabas na ito nang magpasya si Mia na bumangon.

"Yano!"

Humarap ito sa kanya.

Bahagyang kinabahan si Mia. Bigla siyang nagdalawang isip na kausapin si Yano, pero kung hindi ngayon, kailan pa?

"Yano, galit ka ba sa kin?"

Hindi siya sumagot.

"Gusto kong malaman, sabihin mo kung galit ka sakin!"

"May karapatan ba 'kong magalit?"

"Ha?"

"Alam ko na ang lahat. Alam ko na dahil sa akin kaya nawala ang baby."

Napatungo si Mia.

Kaya pala hindi sila nagtanong.

Kaya pala wala silang sinabi, kasi alam na nila.

Kung sa bagay, hindi na iyon dapat ipagtaka. Ang pamilya ni Yano ang boss ng clan kaya walang bagay na maitatago sa kanila.

"Si Ilynn, kilala mo ba siya?" tanong ni Mia.

Umiling si Yano.

"Mahal ka niya..."

"Tinapos na siya ng Petal."

"A-Ano!" Ikinabigla iyon ni Mia.

"Bagay lang sa kanya ang parusang 'yon! Pumatay siya kaya dapat mamatay rin siya!"

"Kahit namatay pa siya, hindi rin naman n'on maibabalik ang buhay ni Achilles!"

"Ang mahalaga nabigyan siya ng hustisya---"

"Wala na si Achilles!" bigla niyang nasabi. "Ngayong wala na siya... wala na ring nag-uugnay sa 'ting dalawa!"

Natigilan doon si Yano.

Kasunod noon ang isang nakabibinging katahimikan.

"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Yano na siyang bumasag sa katahimikan.

Tiningnan siya ni Mia. "Dahil lang naman sa baby kaya tayo nagpakasal, di ba? Ngayon wala na siya, kaya wala na rin dahilan ang pagsasama natin."

"Gusto mo na bang makipaghiwalay?"

"Gusto kong ibalik ang dating ako. Iyong Mia na simple. Iyong taga Village III. Iyong hindi napapansin. Gusto ko uli nang tahimik na buhay!"

"Ano bang gusto mong puntohin?"

"Ayoko na rito!" mabilis na sagot ni Mia.

Tiningnan siya nang diretso ni Yano. "Sigurado ka?"

Medyo kinabahan si Mia nang makita niya ang blangkong tingin ng lalaki.

Anong sasabihin niya?

Anong isasagot niya?

Si Yano na ang nagsalita. "Sige, kung 'yan ang gusto mo."

Kinaumagahan, inihatid ni Yano si Mia sa Village III.

Sinabi ni Mia sa kanyang pamilya na mas makabubuti iyon para makalimot siya kaagad.

Siyempre, inisip ng lahat na sandali lang siya roon. Wala silang ka idi-ideya na ito na ang simula ng binabalak nila ni Yano na paghihiwalay.

Nang makita niya ang dati niyang village, ang dati nilang tirahan, mga kapit-bahay at syempre pa ang pamilya niya inakala niya na na gagaan na ang kanyang loob, pero hindi.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now