Fifteen.

120K 1.3K 106
                                    

"Are you sure, ayaw mo na mag dinner muna bago ka umuwi?"

Hindi ko alam kung pang ilang tanong na yun ni Min Jae sa akin. Para syang sirang plaka na ayaw pa ako pauwiin at paulit ulit ang pag aya sa akin na mag dinner.

Parang hindi na tuloy ako naniniwala na playboy to eh. Parang biglang ang awkward na.

"Min Jae, ano ka ba? Kanina ka pa nagtatanong nyan, ah. Busog pa nga ako. Ang dami natin kinain kanina tapos hindi ako nakapagpaalam kay mommy na gagabihin ako." Paliwanag ko ulit.

Nagkamot sya ng batok, tapos tumawa. "Pasensya na. Sayang naman kasi."

"Sus, sabi mo may bibilhin ka at magpapasama ka sa akin tapos wala naman." Natatawa na sabi ko.

"Gusto ko lang sana mag unwind. Nagkataon na ikaw yung unang dumaan dun sa kinatatayuan ko." Parang bata na paliwanag ni Min Jae.

"Oppa, sya na ba ang bago mo? Sya na ba ang pinagpalit mo sa akin?" Nagulat ako ng bigla na lang may humablot sa buhok ko at nagsalita ng ganun.

"A-aray.." Mahinang sabi ko.

"Mina-ah!" Rinig ko na sabi ni Min Jae.

"Ya! Jugulae?" Tanong nung babae sa akin. Hindi ko naintindihan yung sinabi nya. Hindi ko rin sya makita dahil nasa likod ko sya at hawak nya yung buhok ko.

"Mina-ah! What are you doing?" Lumapit si Min Jae sa amin.

Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao. Shocks.

"Hindi mo na ako tinatawagan. Hindi din kita ma contact! Tapos makikita kita sa mall kasama tong babaeng to?" Puno ng galit yung boses ng babae.

Nakita ko na nagkuyom ng palad si Min Jae. Takte, don't tell me papatulan nya tong babae? Eh mukhang chix nya to.

"MIna-ah. Bitawan mo si Aura. Wag kang mag eskandalo dito!" Seryoso na sabi ni Min Jae.

"Bakit, nahihiya ka Oppa?" Sabi nung babae. "Ikaw naman, may girlfriend na yung tao, kumikire ka pa! Hindi mo ba alam kung sino ako, ha?" Matigas na tanong ng babae sa akin.

"Enough, Mina!" Sigaw ni Min Jae. Marahas nyang hinila yung babae palayo sa akin. Nabitawan ng babae yung buhok ko kaya agad ako'ng lumayo.

"Oppa.. you're hurting me.." Nakita ko na pumipiglas yung babae mula sa pagkakahawak ni Min Jae. Parang nanlilisik yung mata ni Min Jae.

Padami na ng padami yung tao sa paligid, natatakot na ako.

"Ya. Geulaeseo jeoleul goelobhineun jungji nan imi heeojin!" Matigas na sabi ni Min Jae habang nakatingin sa babae. (I already broke up with you so stop pestering me)

"O-oppa..." Sabi nung babae.

Kita ko na parang natakot yung babae. Kaya linapitan ko na sila. Masyadong nang madami ang tao sa paligid.

"M-min Jae." Hinawakan ko yung kamay nya.

Liningon nya ako, tapos unti unti na lumambot yung expression nya.

"Don't ever call me again, Mina. We're done." Matigas na sabi nya sa babae bago ako hilahin ni Min Jae paalis. Hindi ko na nagawang lumingon. Nakakahiya, madaming tao ang nakakita sa nangyari.

Agad na tumawag ng taxi sa pila si Min Jae.

Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib nya nang umandar na yung taxi.

"M-min Jae, sino yun?" Tanong ko.

"Sorry. Pasensya ka na, nadamay ka pa. May masakit ba sayo?" Nagaalala na tanong nito.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now