One.

265K 2.7K 151
                                    

Kahit masakit ang tuhod ko dahil sa sugat na galing sa pagpatid sakin ng mga maldita ko'ng kaklase, hindi nun napigilan ang pagtakbo ko sa hospital ng may tumawag sa akin para sabihin na isinugod daw sa hospital si Kuya Alis.

Nagtanong ako sa nurse at itinuro naman ng nurse kung nasaan si Kuya.

Natural na wala ito sa isa'ng private room. Mahirap na kami ngayon.

"Kuya? What happened? Why are you here?" Agad na tanong ko nang makita sya'ng naka higa sa isa'ng hospital bed kahilera ng iba na tanging tela lang ang pagitan.

"Aura, bakit ka nandito?" Sabi nya na parang hirap na hirap.

"Kuya, ano ka ba naman? Ikaw ang nakahiga dyan, hindi ako. Ano ba ang nangyari?" Inis na sabi ko.

Umiwas sya ng tingin. "Aksidente sa basketball practice kanina."

Nasa private school pa rin si Kuya kasi varsity player sya. Ako naman, sa public high school na pumapasok. Pareho kaming fourth year ni kuya although matanda sya sa akin ng isang taon. Nagkasakit sya before and he had to stopped going to school for almost a year kaya sabay na kami nung pumasok sya, but never kami naging magka klase.

And it's our second month being poor.

May pakiramdam ako na hindi iyon ang totoong dahilan. Masyado'ng kahina hinala yung pasa sa braso nya. Nang may dumating na nurse, tinurukan pa sya ng pain killer.

"Alam na ba ni mommy?" I asked him.

Umiling si Kuya. "No, just don't tell her. Kaya ko to. Mamaya lalabas na ako." Ngumingiwi na sabi nito. "Umuwi ka na, baka mag alala pa si mommy."

"Ano? Hindi kita pwede'ng iwan dito kuya."

"Aura huwag ka ng makulit! You go home, I can manage. May pera pa naman ako dyan para pang bayad dito. Please."

Wala ako'ng nagawa kundi iwan sya.

Wala ako sa sarili habang palabas ng hospital ng may mabangga ako.. este mag bumangga sa akin na lalaki na may benda ang kamay.

"Aray!" Napa upo ako dahil sa lakas ng impact.

"Ano ba? Tatanga tanga ka eh." Narinig ko na sabi nung lalaki.

Agad ako'ng tumayo at nagpagpag ng palda. "Aba! Ikaw na to'ng naka bangga, ikaw pa ang galit!" Inis na sigaw ko.

"Hoy, para sabihin ko sayo, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" Dinuro pa ako ng lalaki. Dahil doon ay nakita ko ng maayos yung mukha nya.

Gwapo... Kuminang ang hikaw na suot nito sa kaliwang tenga nito. May sugat sa labi, tapos may band aid sa bandang kilay.

Hindi ako agad nakapag salita, naging busy na ako sa pagtingin sa mukha nung lalaki. He was taller than me, pero since hindi naman kami gaano magkalapit, hindi ko kinailangan na tumingala ng bongga.

"Hoy? Bobita, umalis ka nga dyan. Peste naman oh." Iiling iling na sabi ng lalaki, na linagpasan lang ako. 

"Aba? Hoy, walang hiya ka'ng lalaki ka. Walang modo!" Sabi ko pa. Wala na ako'ng pake kung pagtinginan kami ng mga tao sa lobby.

Hindi na ako nilingon nung lalaki. Tinawag ba naman ako'ng bobita? Kainis!

Umalis na rin ako bago ko pa maisipan na batuhin ng sapatos yung epal na yun.

Dahil sa inis, nagsisipa ako ng bato sa labas. Grabe makapag salita yung lalaki na yun, it's my first time being called bobita, the heck! Me and my friends curse at times and call us different names pero never ang BOBITA! asar!

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now