Eight.

126K 1.5K 70
                                    

Follow me on insta!

Instagram.com/heyleelay

------

RANCE'S POV -

"I'm sorry. I don't want you to do it, but inside of me, there's a part na sana magtagumpay ka sa gagawin mo." Yumuko si Cheska matapos nya iyo'ng sabihin.

Everything about her is my weakness.. specially seeing her sad.

Ayoko ng malungkot sya, ayoko ng nasasaktan sya, ayoko ng nababalewala sya. She doesn't deserve it. She's one of those girl na hindi lang mabait, maganda at matalino. Meron sya'ng humility. And i love everything about her.

Yes, i love her.

But unfortunately, all she ever thinks about is Joon. At sa kasamaang palad ulit, si Joon din ang dahilan kung bakit sya nalulungkot, nasasaktan at nababalewala si Cheska.

Hindi ako sumagot sa sinabi nya na iyon.

Magkasabay kaming pumasok. It's stupid to think na lumipat sya sa isang pipitsuging eskwelahan kumpara sa dati naming pinapasukan para sundan si Joon. And it's stupid of me too, para lumipat din at sundan sya.

I don't want to think of myself as a martyr. I think of myself as a person who's in love.

I believe na kapag nagmamahal ka, hindi naman kailangan mahalin ka rin nya. Ang maipakita lang na mahal mo sya ay sapat o sobra sobra na.

"Rance?" Untag sa akin ni Cheska.

Nasa kotse kami ngayon. We have a driver. Dahil pinagkakatiwalaan ako ng parents ni Cheska na walang nagawa kundi ang payagan sya sa kalokohan nya, they decided na magsasabay na lang kami pumasok.

Sounds perfect.. kung mahal nya lang din sana ako.

I sighed.

"Rance, i'm sorry.." Sabi nya ulit.

Pinilit ko'ng ngumiti, kagaya ng dati. "You don't have to worry about it, France." I call her France.. masyado na kasing gasgas yung Cheska. "I'll be fine, it will be fine." I assured her.

I can see the hesitations in her eyes. "I shouldn't be dragging you into this.." Muli syang yumuko.

"France, cheer up! Ano ka ba naman? Ngayon pa na pareho na kayo ng school ng forever love mo?" Linangkapan ko ng sigla ang boses ko.

She looked at me, tapos ngumiti. "Thank you so much, Rance. I owe you everything."

"Wala yun. Alam mo naman na nandito lang ako." Kasi mahal kita. Gusto ko sana idugtong pero ayoko masira ang kung ano ang meron kami ngayon ni France.

Maaga kaming dumating sa school.

Agad na hinanap ng mata ko si Aura. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng igi-girlfriend ni Joon ay si Aura pa? I know her all my life! Magkapit bahay kami noon until mag migrate kami sa China. At noon pa ay alam ko na espesyal ang pagtingin nya sa akin.

Kahit hindi nya aminin ay ramdam ko.

Randam ko sa bawat tawag nya sa akin ng Oppa. Ramdam ko sa bawat pag aaya nya sa akin noon mag hang out. Ramdam ko sa tuwing gusto nya sumama kapag may lakad kami ni Alistair.

"Rance, si Aura." Bumalik ako sa realidad ng sikuhin ako ng marahan ni France.

Automatic na napatingin ako sa direksyon na tinuro nya.

Kasama ni Aura si Jelly, naglalakd sila paakyat sa hagdan, pero hindi naka uniform si Aura.

Something urge me to go and talk to her.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now