Four.

145K 1.7K 27
                                    

Hello! Follow me on my socials:

instagram - heyleelay

twitter - theellestrange

* ---------------------

Mula ng maging mahirap kami, inasahan ko na na wala na kaming kaibigan.

Alam mo yun, open naman ang isip ko na yung mga kaibigan ko before eh naging kaibigan ko kasi pare-pareho kaming mayayaman. Siguro, ganun din naman ang isip ni Mommy kaya never ko sya nakita na nakiusap o humingi ng tulong sa mga amiga nya na madalas nya kasama before.

Pati si Kuya.

Pero ang worry ko is baka binu-bully sya. Nahalata ko kasi na parang aloof sya mula nung na hospital sya ng hindi alam ni mommy. Hindi ko alam kung ano ang idinahilan nya ng umuwi sya nun ng may sugat na. Before, uuwi sya tapos lively sya na magke kwento samin about sa practice nila.

Madami naiinggit kay Kuya. Wala lang maka galaw sa kanya dahil mayaman kami before. Pero never naging mayabang si Kuya. Madalas nya lang ako asarin and everything before pero sanay na ako.

"I'll be working at your tita Rina's resto starting on Monday."

Nagulat ako sa sinabi na iyon ni Mommy. Isa si tita Rita sa mga pinaka matapobre na tao na nakilala ko. I even told mom na huwag ng sasama dun dahil masama ang ugali, but mommy said na tanggap nya si tita Rita kahit na ganun ito kasi mabait rin naman daw ito.

So, since wala rin naman kaming source of income, at ang pera namin is mula lang sa mga binenta na gamit mula sa mansion ni lolo at mga alahas namin ni mommy, baka hindi magtagal ay maubos na iyon kaya pumayag kami ni kuya.

"You'll work there as what?" Tanong ni Kuya.

Kasalukuyan kami'ng kumakain ng agahan, Saturday morning.

"Cashier, or might as well a service crew." Sagot ni mommy bago sumubo.

"Kakayanin mo ba mommy? Mukhang mahirap mag cashier dun, masyado madaming tao." Sabi ko naman.

Mom smiled. "I'll be fine. Ang pag-aaral nyo na lang asikasuhin nyo." Hindi na kasing glow ng skin nya dati ang skin nya ngayon, but nevertheless, kitang kita pa rin ang ganda ni mommy. "Wala ba kayong problema so far? Nakakapag adjust na ba kayo kahit papano?"

Alam na alam namin ang ibig sabihin nun, kung nakapag adjust na ba kami sa pagiging mahirap.

"W-wala naman ako'ng prob, mommy." Sagot ko.

Natagalan sumagot si Kuya. "I'm fine."

Nakakapanibago talaga, hindi sya madaldal. Pabida dati si kuya eh. Siguro ang iniisip ni mommy, naninibago pa sya, but i'm thinking different.

Dalawa lang ang kwarto sa inuupahan namin. Nag give way si kuya na mag tig isa kaming kwarto ni mommy. Although double deck yung kama sa kwarto ko, yung sofabed sa sala ang gamit nya. Pero nasa kwarto ko mga gamit nya.

Maya maya ay tumayo na si kuya. Tapos na daw sya kumain at may pupuntahan lang daw sya. Na curious ako. Plano ko sya na sundan.

Naligo si kuya, tapos nag bihis sa kwarto ko.

"Saan ba ang punta mo? May pera ka pa ba dyan?" Tanong ni mommy.

Tumango si kuya. "Yes, mommy. Don't worry about me. Dyan lang ako sa malapit.

So habang nag aayos ayos pa si kuya, nagpaalam ako kay mommy na pupunta sa nearby grocery para mamili ng gagamitin sa gagawin ko na fridge cake. Nang makaalis na si kuya, nagmamadali ako na nagbihis ng t-shirt at umalis na rin.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now