Two.

168K 1.9K 155
                                    

"A-ako?" Naituro ko ang sarili ko habang naka tingin kay Mrs. Reyes.

"Yes, you are. You are the 46th student." Nakangiti pa na sabi ng teacher namin.

Tiningnan ko yung Joon. Hindi man lang nya ako nilingon. Sabagay, bakit pa? Hay.

Bago matapos ang English period ay nagbigay ng assignment si Mrs. Reyes. Ganun daw talaga kasi sya magpa assignment, by two students. Lahat ng tinuturuan nya ay ganun.

Hindi ko alam kung paano i a approach yung Joon. Hello? Mukhang nangangain ng tao eh.

Recess. Nag iipon ako ng lakas ng loob para i approach sya. Mukhang wala syang balak mag recess dahil hindi ito tumayo mula sa kinauupuan nito.

I stood up, pero tumayo rin sya. Sinundan ko sya hanggang sa maka labas sya ng building. Nauna ako maglakad para pumunta sa harap nya. I stood in front of him. Naka yuko kasi sya, busy pa rin sa cellphone.

"Hi." Sabi ko.

Unti unti sya'ng nag angat ng ulo.

"Ikaw?!" Sabay na sabi namin, sabay turo sya sa akin, ako naman sa kanya.

"B-bakit ka nandito?" Yung walang modo na lalaki na naka bangga ko kagabi yung Joon! Kaya pala pamilyar yung boses. Hindi ko na napansin yung benda sa kamay nya kasi may gloves sya na suot.

Tinitigan nya lang ako.

"Hoy, hindi mo na ba ako natatandaan? Binangga mo ako kagabi sa hospital tinawag mo pa ako'ng bobita! How dare you!" Bumalik lahat ng inis ko sa katawan.

Joon just licked his lips. Hindi ito nagsalita at linagpasan lang ako.

"Hoy!" Tawag ko, mabilis ko syang sinundan.

"Pwede ba, kung may problema ka, huwag ako ang guluhin mo! Peste!" Matalim ang mata na sabi sakin nung Joon.

Scary, alright. Ilang segundo din ako'ng na froze sa kinatatayuan ko, but na realize ko na kailangan ko syang kausapin tungkol sa assignment.

Hinabol ko sya ulit.

"Ano na naman ba?!" Now he look irritated.

"Y-yung assignment sa english.. paano yun?" Kumalma na ang boses ko.

"Ah." Nawala ang iritasyon sa mukha nito. Tinago nya sa bulsa nya yung cellphone nya. "Edi gawin mo, tapos sabihin mo bukas, ginawa natin. Tapos." Sabi nya, muling naglakad.

I was left stunned.

The nerve of that guy! Akala nya ba, isasama ko sya sa effort ng pag gawa ko ng assignment later? Manigas sya, no!

Pumadyak ako pabalik sa room. Nagbaon naman kasi ako ng sandwich at tubig. See, hindi naman masyado mahirap maging mahirap. I am trying hard to convince myself that it's okay to be poor.

"Look, yung prinsesa, nag tatyaga sa sandwich."

Mula kung saan, sumulpot na naman yung anti fan club ko sa mga kaklase ko. Naiinis na talaga ako, a. Why do they have to bully me? Wala naman ako'ng ginagawa, at hindi ko naman kasalanan na naging mahirap kami at doon ako pumasok.

Hindi ako nagsalita at itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Ang hirap talaga kapag mayaman ka, tapos bigla ka'ng naging mahirap." Sabi pa nung isa.

Apat sila, eh. Mas mukha nga silang walang baon kasi hindi sia kumakain.

Hindi pa rin ako sumagot.

Kung anu ano pa ang sinasabinila, nakakawalang gana kumain kaya sa inis ko, umalis ako. Dinala ko yung bag ko at naglakad lakad sa campus hanggang sa makarating ako sa gilid ng gym. Kumuha ako ng bato at bumato randomly.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now